CHAPTER 1

40 1 0
                                    

[CHAMEE’S POV]

Nang pumailanlang ang malakas na tugtog mula sa malaking bass na naroon sa stadium ay sabay-sabay na humarap sina Kuya Yvoh, Kuya Janus at Kuya Kirby sa mga audience, dahilan para mapuno nang sigawan ang buong coliseum.

My brothers started to exhibit their dance moves with the beat of the music, at napangiwi ako dahil sa matinis na sigaw ng mga babae buhat sa aking likuran. Sa totoo lang, hindi ko talaga marinig ang music nang sinasayaw nina Kuya dahil ang lakas ng mga ‘bunganga’ nila!

“Hala, bakit magkakamukha sila???” dinig kong bulalas ng isang babaeng teenager na nakapwesto sa harapan ko, tapos tumayo na sya kaya hayun at ang malapad niyang likod ang napapanood ko at hindi na ang tatlo kong Kuya na sumasayaw sa stage!

“Aaaahhhhhhh!!! Ang gagaling nyo talaga!” malakas na sigaw ni Anezza, siya ang kasama kong manood para sa coronation night ng isang beauty pageant. Kaklase ko sya pero hindi naman kami ganoon ka-super close. Tapos ng intermission number nina Kuya at ng isa pang solo performer, talent showcase naman ng mga kandidata ang susunod.

To tell you the truth, mas malakas pa ang tili ni Anezza sa pinapanood niya ngayon kumpara sa tiling ginagawa niya sa paborito niyang candidate sa pageant. Tinignan ko rin ang hawak nyang ipad.  Niri-record nya ang performance, pero napakunot-noo ako dahil naka-zoom in ang video recorder sa iisang tao lang --- si Kuya Yvoh lang ang bini-video nya that’s why I tap her forehead.

“Hoy, bakit si Kuya Yvoh lang ‘yan? Ang unfair mo ha!” suway ko sa kanya.

Humagikgik si Anezza pero hindi nya talaga ipinukos sa tatlo ang video camera.

“Ang galing talaga ng dimple ni Yvoh ano? Kaya crush ko sya eh! Buti na lang may dimple sya na super lalim, kung wala yan, malamang hindi ko sya makikilala!”

Hindi ko na lang sya sinagot.

Tulad ng babaeng nasa harapan ko ay tumayo na rin ako para panoorin ang pagsayaw nina Kuya.

Nasa lower box ako nakapwesto kaya medyo malayo ako sa stage. Kung hindi lang nila ako kapatid, maa-amaze ako kasi parang iisang tao lang ang sumasayaw sa flatform. Sabay-sabay ang bawat galaw nila, walang nahuhuli at wala ring nauuna.

All of the three of them are wearing white plain shirt, faded tattered maong pants, and a name tag necklace. Iisa lang rin sila ng hairstyle and they almost have the same height, kaya kapag nagpapalit sila ng mga pwesto eh medyo nahihirapan din akong tukuyin kung sinu-sino na ang nasa bagong posisyon. No doubt, triplet nga talaga sila!

“Hoy miss, tumutulo na ang ice cream mo o! Bwisit naman! Wala ka bang mata, ha? Tignan mo tumulo na sa balikat ko!"

Napalingon ako sa gawi ng lalaking sinighalan ang nakatayong babae buhat sa likod nito. Kahit yata si Leonardo Da Vince ay hindi kayang iguhit ang lukot na lukot na mukha nito dahil sa pagka-inis at pagka-asar.

“Ahy, sorry!” wika ng payat na babae at hinabol ng dila nito ang dumadausdos na ice cream mula sa hawak niyong crunchy cone. Siguro ay napako kanina ang atensyon niya sa stage kaya hindi niya namalayan na natutunaw na ang hawak niyang ice cream.

The Heartthrob Triplets and their Status: It's Complicated [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon