3 PARTNER 0.2

149 14 1
                                    

AVEAH'S POV

"INIWAN niya ba ako?"

Nakapamaywang na tanong ko sa sarili ko. Sabagay, boys are like that. Iiwan ka nalang basta na walang explanation.

Kidding. Others are just like that. Not all.

Lumabas muna ako ng parking lot at umupo sa may grass habang pinaglalaruan ang phone ko.

I also get my burger. Infairness, the air is so refreshing. But I can still smell a bit of pollution. Hahaha!

Boring sa loob ng parking lot. What should I do muna? Gosh!

From: aimeegirly

Facebook account ni Axel pati twitter niya. Enough?

4:23 pm

Tumunog ang phone ko at nakita ko ang chat ni Aimee. I asked her to send me Axel's account so I can contact him for the project. Aba, it will be really weird if I asked him. He might think that I'm interested in him. Eww..

To: aimeegirly

Yes. Thanks girl

4:23 pm

Binuksan ko ang link.

And his Facebook account popped up.

Nakita ko na walang bio. Just a black heart and his profile is just the ID picture.

Super.. plain? Boring?

He didn't post anything! Nakita ko pa yung old profile pictures niya na 3 lang. Motor o anime character pa.

May 12k followers siya.

Naka-friends siguro ang privacy niya kaya hindi ko nakikita ang mga post niya. Maybe.

I clicked his current profile picture.

Axel is so ugly talaga.

Ilang minuto pa akong naghintay sa parking lot. Tumunog ang kotse na malapit sa akin. Ibig sabihin nandiyan na ang may-ari. Napatingin ako sa harap ko.

Finally!

"Anong ginagawa mo diyan?"

He asked me and I just pouted. Bungad niya sakin at naka poker face. Wow, nagtanong pa siya. Kanina ko pa sana siya iniwan dito. Ang tagal-tagal niya. Tiningnan ko lang sya at saka sinagot.

"Scam! I waited here. Ano pa nga ba? Nag-switch pa talaga tayo ng position. Ako pa talaga ang naghintay."

"Let's go. Mukha kang napabayaan diyan."

I followed him inside the parking lot. Huminto siya sa isang kotse.

I looked at his car.

Sana all, maganda. When kaya ako makakabili ng own car ko? Well hindi ako nangangarap. Baka mabangga ko rin.

Pinalo ko yung kotse niya.

"Gara ng kotse mo. Pasakay ah?"

"Don't touch it!"

"Okay."

And touched the door of his car. Saka ako pumasok sa kotse niya ng walang pasabi. Ako kaya ang napagod kakahintay sa kaniya.

"Wow, kotse mo?" He said sarcastically but I don't care. Ako na-argrabyado dito.

Pumasok na rin sya sa kotse niya sa driver seat. Alangan ako magdrive. Yupi-yupi ang kotse niyan kapag ako ang nagdrive.

"Gutom ako. May alam kang food stall?"

He didn't answer.

Hmp. Edi wag!

SUNSHOWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon