5 NEXTDOOR

103 9 2
                                    

AXEL'S POV

THE DAY is still normal. Pero hindi ko parin makalimutan ang nangyari kahapon doon sa mall. Why is she like that?

I remember what happened earlier in the classroom. She's showing the notebook na parang pinapainggit niya ako. As if I envy her.

Kaya ko pa bumili ng notebook na mas magandang design.

"Axel!" My sister called me. Nurse Rhia, the school nurse is my sister.

Lumabas siya ng clinic at binigay ang bag niya. "Dalhin mo 'to sa new house natin. I'm going to Tagaytay. May blow out kasi ang anak ng chairman sa SH Hospital."

"Sino?"

"Chairman Eldon Lopez. Champion sa debate contest at dance performance sa school nila. Actually, kamag-anak siya ng classmate mo." Sagot niya sa akin.

"Sino?" I asked again.

Kumunot ang noo ni ate Rhia. "Aveah Lopez. Gosh, sino pa bang Lopez sa klase niyo?"

"Wala."

Oo nga. Wala nang ibang Lopez sa klase. namin kundi ang katabi kong maingay.

"Oo na. Basta dalhin mo 'yan ah? I already helped you guys yesterday on packing."

"Okay."

Tumalikod na ako para maglakad palabas ng school nang may sinabi siya.

"Walang goodbye hug? Ganyan na pala ang baby Axel namin. Nagbago ka na."

Napapikit ako sa sinabi niya. Ate Rhia is treating me like a baby just like she usually do ever since I was born in this world.

I sighed and go back to ate Rhia to hugged her.

"Hmm! Ang bango-bango pa rin ng bebe Ashi na 'yan."

There she is again. She's calling me on my nickname that my sisters made for me.

"Hindi na ako bata, ate. Stop this."

"Sus, stop daw. Pero pinapahanap mo parin sa akin mga gamit mo tapos nagpapatimpla at nagpapaluto ka kapag madaling araw sa akin kasi alam mo gising ako ng 2 am."

"I-I am not! Minsan lang kaya."

"Utot mo minsan."

I left my sister because I know she'll just tease me again.

After the class, lumabas na ako sa school para mag-ready ng mga damit at ibang gamit ko. We were moving out in our new house sa isang malaking village na mas malapit dito sa school.

Well, that house is from my grandma at dati na kaming nakatira doon. I don't want to move but we need to. Since matagal nang bakante ang bahay na 'yon, doon nalang kami. Mas malaki nga lang and more easy to travel here school. It will just take 15 minutes to walk pero mas safe parin na nakasakay.

"Aveah! I told you to get in the car." I heard Sir Aldrin's voice.

"No need! I can manage. And who will get my bike? Siyempre ako. Ito na gamitin ko pauwi."

Papunta na ako sa parking lot at sinuot ang helmet bago pinaandar ang motor. Nakita ko naman ang babae sa shop na si Veah na sumakay bike niya.

"Pasaway talaga."

"I am not! I'm just an independent wonderful wom—AW!"

I tried to hold my laugh when she almost hit the ground dahil sumemplang siya at hindi pantay ang dinadaanan niya. Kapag natuluyan yan, tatawa talaga ako.

"Aveah naman!"

"I'm okay, I'm fine! Gwaenchanha.." sabi ni Aveah.

Teng neng neng ne neng

SUNSHOWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon