4 RULE

137 11 1
                                    

AVEAH'S POV

"SORRY we didn't tell you. Siya lang naman kasi ang may kapangyarihan sa school na 'to. He can rule the students here."

I heard Kaezee's voice from our back. Oh, she's already here!

"Zee! You're here na. Anong sinasabi mo?"

Galing sa taping si Kaezee at ngayon lang nakapasok. Hindi sa nagmamayabang but Kaezee is famous. Of course she's an actress, duh.

Pero anong klaseng kapangyarihan ang sinasabi ni Kaezee? Ang astig naman na may kapangyarihan. Pero anong klaseng kapangyarihan?

"May kapangyarihan siya dito."

WHAT?

"Siya? May kapangyarihan?"

Napatawa nalang ako. May kapangyarihan siya?HAHAHAH!

Why does it sounds cringe and funny? Him? That guy?

Nagtaka naman ang mga kasama ko.

"Oh? Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ni Kris sa akin habang ako tumatawa lang.

I can't believe this.

May kapangyarihan ang taong iyon? Parang encantadia lang. Brilyante ng apoy ba yung kaniya?

"Weh? Hindi nga? Kung meron kapangyarihan iyon edi sana ginamit na niya sa akin. Nasa fantasy world na ba tayo? Magic?"

Nagulat ako ng bigla akong kotongan ni Kaezee. Aray ang sakit ah!

No one dared to hurt me like that huhu. Kawawa naman ako ngayon. I was just saying na ang impossible na mangyari yun.

"Engot! Hindi yung kapangyarihan na as in powers na bigla nalang lalabas sa mga kamay."

Napahawak nalang ako sa noo ko. Bumakat ata yung daliri nila kainis. Magkaka-third eye na po ako kaya handa ko nang makita yung mga multong may crush sa akin.

"Aray ko naman Kaeezee. Lalim kasi ng dialogue mo."

Reklamo ko sa kanya. Ang serious rin kasi ng face niya like there's something talaga na ewan. Wala naman kasi siyang sinabi na kahit ano kasi dinaldalan lang naman nila ako.

Napatingin ako kay Cassy. I don't know pero may napansin ako sa kanya after ko sabihin about fantasy world or sa word na magic. Or nagulat lang rin siya na hindi ko na-gets ang sinasabi nila?

"Ano ba kasi yung sinasabi mo kanina?"

Tanong ko. Wala kasi talaga kaming ma-gets eh since bago kami dito and we don't know anything about here.

She sighed and started talking.

"Okay, maraming natatakot sa kanya dahil siya lang naman ang SSG President ng school at sila pa ang owner. As a president, hindi naman automatically na siya na ang bahala sa lahat. Pero dahil sila ang may-ari ng school, pwede niyang gawin lahat. They also own hospitals and malls." Sagot ni Kaezee sa akin.

"Ganoon sila kayaman. His Lolo ay ang Dean dito. As in overall ng school na 'to. Halos lahat kami dito ay nag-aral since elementary. This is Leo International School. All levels are here. We don't know anything about them except of those things."

My eyes widened. Hindi makapaniwala sa sinabi nila. I'm too stunned to speak.

I can't process what they said. That guy? That gentledog?

"Siya? Supreme Student P-President ng school? They own this school?" Gulat kong tanong. They all nodded. "Weh? Hindi nga?!"

I reacted. Baka jino-joke time lang ako nito para takutin ako. Wala akong time para sa ganyan kasi seryoso ako ngayon.

SUNSHOWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon