CONFESSION TO CONGRATULATION

9 6 0
                                    

CONFESSION TO CONGRATULATION

Naaalala mo pa ba noong una tayong nagkita at nagkakilala?
Ang araw kung kailan, nabighani na nga ako sayo.
Napakabilis ng pangyayari,
Di ko namalayang,
Napamahal na nga ako sayo.
Di ko na inamin sayo...
Di ko na inamin sayo, dahil ako'y nahihiya sayo.
Natakot ako...
Natakot ako na malaman mo ang totoo.
Ang totoo na magbibigay daan upang masira ang relasyong meron tayo.
Meron ba?
Ano nga ba tayo?
May relasyon nga ba tayo?
Mga katanungang iisa lamang ang kasagutan.
Wala....
Walang tayo
Wala tayong relasyon
Oo, pero yan ang totoo.

Habang tumatagal,
Mas nabibighani ako sayo.
Kay bilis ng tibok ng puso ko,
Sa tuwing andito ang presensya mo.
Di ko na alam kung anong gagawin ko,
Aamin na nga ba ako sayo?

Litong-lito,
Kabadong-kabado
Nagdadalawang isip,
Kung aamin na ba sayo.

Kay tagal kong pinag-isipan
Ang pag-amin sayo,
Hanggang sa dumating ang oras,
At aamin nako sayo.

Ako'y kabang kaba
Aamin nako sayo.
Kaso nalaman ko
Na nahuli ako,
Huli na ang lahat 
Dahil masaya ka na sa kaniya.
Sa nobya mo.

Kay sakit isipin at tanggapin,
Na huli na ang lahat.
Dahil ang pag-amin ko sayo ay nauwin sa congratulation.....

~~~BitterQueen❤👑

SPOKEN'SWhere stories live. Discover now