CHAPTER ONE

1.4K 40 0
                                    

Tagu-taguan

Maiba taya! saad Roger habang magkakapatong ang kanilang mga palad ng mga kaibigan niyang si Myls si Jessy at si Liz ng itaas ang mga palad at bumaba ay naiba ang palad niya habang ang tatlong babae ay nakataob. Maya maya pa ay biglang nagpulasan ang mga ito upang maghanap ng mapagtataguan.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan tayo'y maglaro ng tagu-taguan" ani Roger habang nakapikit ang mata na nakaharap sa sinasandalang puno para magbilang

"Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo isa! dalawa! hanggang makarating ng siyam, siyam at kalahati, sampu" pagkatapos magbilang ay agad niyang hinanap ang mga kaibigan.

Si Jessy ay umakyat sa pinakamataas na malagong puno at doon siya nagkubli, maliksi siyang kumilos na animo'y isang mabangis na hayop.

Mahinahon namang kumilos si Myls hindi mo maririnig ang kanyang mga yabag kumubli lang ito sa tabi ng malaking puno at sa isang iglap tila naging caumoflage na lang ito.

Si Liz na lang ang kahuli-hulihang di pa makahanap ng mapagtataguan kaya agad itong may kinuha gadget na animo'y cellphone, may pinindot ito na buton at sa isang iglap may lumabas na tila portal na magdadala sa kanya sa ibang dimensyon.

Agad siyang pumasok dito at sa isang iglap bigla siyang naglaho, mga kakaiba silang nilalang ngunit hindi nila ito alam dahil sila ay mga musmos pa lamang.

Si Roger naman ay masigasig na naghahanap "Myls! Jessy! Liz! nasa'n na kayo?" tanong niya halos nahalughog na niya ang buong kagubatan ngunit hindi niya makita ang mga ito. Lumipas pa ang isang oras at hindi pa din niya talaga matagpuan ang tatlo.

Hanggang sa tawagin siya ng nakatatanda niyang kapatid.

"Roger, halika na at kakain na tayo!" tawag ng kanyang kuya Diego.

"Andyan na po Kuya" sagot naman ni Roger sa kapatid naguguluhan lang siya dahil sa tuwing naglalaro sila ng tagu-taguan ng mga kaibigan ay siya lagi ang taya bukod do'n ay di rin naman niya makita ang mga ito kong saan nagtatago.

Naisip tuloy niyang baka nagsi-uwian na rin ang kanyang mga kalaro kaya naman sumama na rin siya sa kapatid. Magmula ng pumanaw ang kanyang inang si Bhelle dahil sa sakit sa puso ay naging sakitin na rin ang kanyang ama. Tila ba dinamdam nito ng husto ang pagkawala ng asawa kong kaya't hindi na ito nagkakain, laging sa malayo nakatingin at para bang kayrami ng iniisip.

Mga ilang taon pa ang lumipas at sumunod na rin ito sa asawa, natagpuan na lang nila ito kinaumagahan na isa nang malamig na bangkay. Kung kaya't si Diego na ang nagsilbi niyang ama't ina hindi niya ito tunay na kapatid dahil inampon lang ito ng kanyang mga magulang. Ngunit gano'n pa man hindi niya ito itinuring na iba parehas itong minahal ng kanyang mga magulang gaya ng pagmamahal naman nito sa kanila.

"Ang ganda ng bilog na buwan Kuya" namamanghang saad ni Roger sa kapatid.

Sumang-ayon naman ito sa kanya. Habang naglalakad ay panay ang kwento ng kanyang kuya Diego tungkol sa kabayanihan ng kanilang amang si Rojo sinabi nitong ang ama daw nila ang naging dahilan para mapatay ang halimaw na umubos sa buong baryo San Jose na kalapit nila. Namilog naman ang mata ni Roger sa labis na pagkamangha.

"totoo ba kuya!" tanong ulit nito na tila hindi pa makapaniwala.

"Oo nga" tugon naman ng kapatid na napapangiti na lang dahil sa sobrang kakulitan nito.

"Kuya gusto ko ring maging kagaya ni Tatay araw-araw akong magsasanay sa gubat para kong sakaling bumalik ang halimaw ako na ang magtatanggol sa ating baryo ang Sto. Kristo," mahabang litanya ni Roger na sumusuntok at sumisipa-sipa pa sa hangin.

Maya-maya pa ay hiniling nito sa nakatatandang kapatid na pasanin siya na agad naman nitong ginawa. Hanggang sa marating nila ang bahay. 

Et Canis CattusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon