Mayamaya pa ay tinawag ni Kumander Jere ang isa sa kanyang mga tauhan at may sinabi ito, pagkatapos ay umalis ang tinawag at nang bumalik ito ay may dala na itong katamtamang laki na baboy ramo. Nahuli daw nila ito kagabi ng nagroronda sila sa gubat, dahil madalas magawi ang grupo ni Ama sa kagubatang iyon.
"Hijo, pakibigay mo na lang din ito sa aking Kumpare, pakisabi na salamat sa patuloy niyang pagsuporta sa aming ipinaglalaban," ani Kumander Jere na hinawakan pa siya sa balikat.
Nang maibigay na niya ang ipinadala ni Mang Tonying ay pinasan na niya ang ipinabibigay naman nitong baboy ramo para sa kumpare nito at pagkatapos ay nagpaalam na siya. Inihatid pa siya ng tingin ng mga kasamahan nito sa pakikipabaka.
Mabilis ang ginawang mga hakbang ni Diego, gusto niyang bago magtanghalian ay makauwi na siya ng bahay kaya naman lakad-takbo ang ginawa niya. Sanay siya sa mabibigat na trabaho dahil siya lagi ang kasa-kasama ng ama-amahan sa gubat kapag nangangaso sila sa gubat.
Mabilis siyang tumakbo at sanay rin siyang makipagbuno sa mga mababangis na hayop gaya ng mga baboy-ramo minsan o di kaya naman ay usa. Kaya naman hindi na niya pinapansin ang matutulis na bato na tumutusok sa mga paa niya o kaya naman ay natatapakan niya ang makahiya. Napuno na rin ng amorseko ang kanyang suot na purontong.
Hindi niya namalayan na kanina pa pala may nagmamasid sa kanya mula sa malalagong puno. Ang grupo ni Ama. Tila alam ng mga ito kung saan siya nanggaling kung kaya't mas tumindi ang galit ng mga ito, naiinggit din sila dahil binibigyan ng mga ito ang grupo ni Kumander Jere samantalang sila naman ay napipilitang magnakaw dahil sa gutom.
Ang gobyerno naman ay walang pakialam sa kanila kahit na nga nangako na ang mga ito na bibigyan sila ng lupain kapag sumuko sila pero ang nangyari ikinulong silang lahat at pagkatapos ay pinagpapatay pa ang iba nilang kasamahan sa mismong harapan nila kaya naman gano'n na lang ang galit nila sa gobyerno. Kaya ang ginagawa nila ay nagpapansin sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay ng mga taong walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. At pagnakawan ang mahihina.
Sa kabilang banda naman ay may mabubuting NPA na hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na isang araw ay magbabago rin ang kanilang buhay, sila ang nagsilbing tagapagtanggol ng mga taga-baryo laban sa mga mapang-abusong taong labas na gumagamit ng karahasan para maghasik ng takot.
"Psst!" may sumitsit kay Diego kaya naman napahinto ito sa ginagawang lakad-takbo at hinanap ang pinanggagalingan ng tumawag sa kanya. Naghintay pa ang mga ito ng ilang saglit tila, pinapakiramdaman kung may iba pa bang tao na nasa paligid bukod sa kanila. At nang matiyak ng mga ito na wala ay saka lang sila naglabasan sa pinagtataguan.
" Kumusta kaibigan!" bati ng isang lalaking kalbo, mukha itong masamang tao na hindi pahuhuli ng buhay. Nakangisi namang nagsilapit din ang mga kasamahan nito. May hawak ang bawat isa ng matataas na kalibre ng baril.
"Mukhang masarap ang bitbit mo pare ah? Pwede ba yang maarbor?" tanong naman ng lalaking bigla ring lumabas mula sa pinagtataguan, tadtad ng pilat ang buong katawan nito. At napukaw ang pansin niya sa suot nitong medalyon kumislap kasi ito sa sikat ng araw, tiningnan niya ang itsura ng medalyon ng lumapit ito. Mukha ng ibon na may katawan ng tao ang nakita niyang nakaukit na larawan sa medalyon.Bigla rin niyang inalis ang tingin niya rito ng mapansin niyang nag-iintay ito ng kanyang sagot.
"Pasensya na kayo, hindi ito sa akin bagkus ay ipinadala lamang ng isang kaibigan para sa kanyang kumpare," mahaba niyang paliwanag na inialok ang manok na ibinigay sa kanya ni Mang Tonying, naisip niya ang kapatid na si Roger ngunit batid niyang maiintindihan naman nito kung hindi pa siya makapagdala ng pangakong friend chicken ang importante ay may bigas sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/199583566-288-k629811.jpg)
BINABASA MO ANG
Et Canis Cattus
Science FictionLAGANAP na ang kasamaan saan mang dako ng daigdig. Lahat ay naghahangad na mapunta sila sa rurok. Kahit na nga ba kapalit nito ay mga sakripisyong buhay ng mahihina at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. Tanging ang matatag lamang ang siyang...