CHAPTER TWO

313 19 0
                                    

Masamang Balita

Samantala, matiyagang nag-aantay si Roger sa harap ng pintuan ng bahay sa kanyang Kuya Diego, wala siyang kaalam-alam na may masama ng nangyari rito.

Nagugutom na rin siya dahil halos tanghali na rin dalawang pirasong nilagang saging lang ang kinain niya at isang tasang kape, hindi iyon sapat para sa katulad niyang maraming pinapakain sa tiyan.

Sinipat niya ang kanilang bigasan, napangiti siya kahit papaano sinuswerte siya nakakita siya ng bigas na nakalagay sa supot isinalin niya ito sa gatangan at nakaipon siya ng kalahating gatang na bigas.

Agad siyang nagpaliyab ng apoy, masipag ang kanyang Kuya Diegong mangahoy at umigib ng tubig, mahilig din itong magtanim ng mga gulay sa likod-bahay nila kung kaya naman kahit papaano ay may nakakain sila nitong kung hindi ito maka-extra sa pagtatanim ng palay at pagkokopra.

Isa lang naman ang hiling niya sa ngayon at ito ay ang makapag-aral siya gaya ng ibang bata. Inggit na inggit siya sa mga batang nakakapasok sa eskwelahan. Sampung taong gulang na siya pero hindi pa rin siya marunong magsulat at magbasa.

Napalingon siya sa kaisa-isang larawan ng kanilang mag-anak isa pa lamang siyang sanggol noon at ang Kuya Diego niya ay sampung taong gulang. Tila ba kay saya nilang mag-anak no'n kahit na hikahos sila sa buhay.

Ang kanyang Nanay Bhelle ang Tatay Rojo niya na bayani ng Sto. Kristo dahil ito ang tumapos sa buhay ng halimaw na si Jessica, ang Kuya Diego niya na kahit naulila sa mga magulang ay naging matatag at naging kuya pa niyang tunay.

Ito ang kanyang tagapagtanggol sa lahat ng umaaway sa kanya, wala kasi siyang mga naging kaibigan na kapitbahay nila maliban kina Jessy, Liz at Myls na kailangan pa niyang puntahan sa kabilang bahagi ng gubat.

Hindi namalayan ni Roger na pumapatak na pala ang luha niya, hindi niya malaman kung sa labis na pangungulila sa mga magulang o dahil sa labis na kalungkutan ng mga oras na iyon.

Pero agad rin niyang pinalis ang mga luhang iyon, mamaya biglang dumating ang Kuya Diego niya, ayaw pa naman nitong nakikita siyang umiiyak, dahil ang tunay na lalaki raw ay dapat maging matatag.

Nang tuluyan ng lumiyab ang apoy ay hinugasan na niya ang bigas at saka ito isinalang, pagkatapos ay nagpunta siya sa likod-bahay upang mamitas ng gulay, nakakita siya ng talong at kamatis kumuha rin siya ng ilang tangkay at talbos ng kamote.

Hinintay niyang ma-in-in ang kanin at pagkatapos ay inilagay niya sa ibabaw ang gulay. Nang maluto na ito ay naghanda na siya ng pagkain sa mesa, naisip niyang baka pagod ang kuya niya pag-uwi kaya't mabuti nang may makakain sila pagdating nito, bumalik siya sa harap ng pinto.

Ilang oras pa ang lumipas ngunit hindi pa rin dumating ang kanyang Kuya Diego, naisip niyang baka marami itong ginagawa o kaya ay inaya na itong doon mananghalian, ngunit nagtatalo ang kanyang isip, hindi ganoon ang kanyang Kuya Diego, uuwi pa rin ito kahit na anong mangyari.

Naisip niyang mauna ng kumain at pagkatapos ay pupuntahan niya ito kina Mang Tonying. Binilisan niya ang pagkain at saka agad na tinungo ang bahay ng Don.

Sa daan ay nasalubong niya ang nakatatandang anak ni Mang Tonying si Angela, nagulat pa nga ito ng makita siya, ngunit saglit lang iyon at sumeryosong muli ang mukha.

"Magandang tanghali po Ate Angela, nasa inyo po ba ang Kuya Diego ko?" magalang na tanong ni Roger sa dalaga. Hindi ito umimik bagkus ay hinawakan ang kanyang kamay saka nagmamadaling naglakad, halos kaladkarin na siya nito sa sobrang bilis ng hakbang nito.

Nang makarating sila sa bahay nito ay napansin niyang marami ang tao, pinapalibutan din ito ng mga sundalong may hawak na matataas na kalibre ng baril. Hindi maintindihan ni Diego kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

Binitiwan siya ni Angela at inginuso siya sa kumpulan ng mga tao, agad naman niyang tinungo ang mga nakikiusyuso, Nang makita siya ng mga tao ay narinig niya ang usap-usapan ng mga ito.

"Kawawang bata wala na ngang mga magulang nawalan pa ng kapatid," saad ng isang matanda pagkatapos ay napapalatak ito.

May kung anong naramdaman si Roger, kaybilis ng pintig ng kanyang puso, hindi niya maintindihan ang nangyayari, nagsumiksik siya sa kumpulan ng mga tao hanggang sa marating niya ang pinakagitna.

Bumulaga sa kanya ang nagdudumilat na katotohanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Et Canis CattusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon