Chapter 15: Losing Control

543 14 8
                                    

"Ate, please lumaban ka. Andito lang ako." maluha luhang sabi ni Francine habang yakap yakap ang kapatid.

Nakatingin sa malayo ang dalaga kasabay ng mahinang bulong ng mga di maipaliwanag na pangyayari.

Mag lilimang buwan nang hindi nagtatrabaho ang kapatid simula ng mabangga ang sinasakyang kotse ng mapapangasawa nito.

Habang tumatagal, mas nahihiraadpn si francine sa nangyayari sa kapatid.

"Francine..." sabi ng dalaga.

"Ate!" tuluyang pagiyak ni francine.

"Asaan na ang pamangkin mo?" walang masabi si francine.

"asaan na sya? Tawagin mo na, aalis na kame." seryosong sabi ng kapatid nya.

Parating hinahanap ng ate nya sakanya ito.

"Ate..."

"Ano? Francine malalate na kame kailangan na namin umalis tawagin mo na." pagmamadaling sabi ng dalaga.

"Ate... Wa-wala akong pamangkin." mautal-utal na sabi ni francine.

"Ano?! Anong wala? Francine diba sinabi ko sayo nagmamadali kame. Aalis na kame bakit kaba ganyan? Ano bang sinasabi mong wala?!"

"Ate..." patuloy na pagiyak ni francine.

"ako na ang gagawa kung ayaw mo." at tumayo ang dalaga.

"Anak!!!!" sigaw ng dalaga, "anak? Tara na aalis tayo. Andito na si mommy!"

Ngunit walang sumagot.

"Asan naba kase si rashaun francine bakit hindi sumasagot!" inis na sabi ng kapatid.

"Ah baka nasa loob ng bahay, naglalaro ba sya? Asa kwarto?" sunod sunod na tanong ng nakakatandang kapatid.

Pumasok ang dalaga, sinundan ito ni francine.

Hinalughog ang buong sulok ng bahay at ng hindi mahanap ang hinahanap ng dalaga ay sumigaw ito.

"Francine ang anak ko nawawala! Asan ang anak ko!"sigaw ng dalaga.

"Ate walang bata dito sa bahay..." patuloy na pag iyak ni francine.

Patuloy na nagwawala ang dalaga "Anong walang rashaun andito sya iniwan ko dito si rashaun ano ba francine! Akin na yung cellphone ko tatawagan ko ang kaibigan ko! Baka sakaling sya makatulong sa akin!" kinuha nya ang cellphone na nakapatong sa lamesa at hinanap ang pangalan ng kaibigan nya sa contacts.

Ngunit bigo ang dalagang mahanap ito,"Bakit walang number dito? Dinilete mo ba? Francine ano ba? Pano ko tatawagan!" sigaw nito.

"kailangan ko yung kaibigan ko! Tutulungan ako nya akong hanapin ang anak ko. ano ba francine!"

"Ate please..."

Habang paulit ulit na bumabalik ang dalaga sa bawat sulok ng bahay at sinisigaw ang pangalan ng anak ng dalaga.

Hindi na alam ni francine ang gagawin sakanyang nakakatandang kapatid, ulilang lubos na ang dalaga at si francine.

Niyakap ni francine ang kapatid,"Ate please bumalik kana sa dati. Andito lang ako please, ate."

Patuloy pading sinasabi ng dalaga g pangalan ng bata.

_______________________________________

HI LOVES ❤️

short update for y'all, pahapyaw muna. FEw chapters left. Alam kong naguguluhan kayo, so read between the lines.

I'll be updating soon don't worry. ❤️

I love you all!!!

Don't forget to tag me your favorite lines and use the hash tag #RHF #FFRR on twitter or tag me @ichagirlloys so I can see it 💕

Fb: Lois Lawan
Twitter: Ichagirlloys
Insta: Loyslajuan

Next update

20 votes ❤️💕

Book 2: Rivero Has Fallen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon