Chapter 4

1.3K 28 2
                                    

Mabilis ang pagliligpit ni Andrew sa mga natapos na dokumento habang papatayo sa kanyang lamesa. Matapos ang halos ilang buwan na tila pagkasoltero ay mag-iisang taon na ang bunsong anak nila. Kaya buong umaga siyang ayaw patahimikan ng tila nga kakatwang kitikiti sa kalaman dahil sa kaalamang iyon.

"Hon pauwi na ako." Mapaglaro niyang saad nang sagutin ng asawa ang telepono.

Dinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ni Lucy kaya agad siyang nabagabag.

"That's good bee. Can you pick the boys for me?" malumanay at puno ng paglalambing nitong saad.

Napahinto tuloy si Andrew sa pag aayos. "What, why?"

"Canceled daw iyong classes nila ngayon, I'm on my way sa school nina Lulien." Pagak na tawa ng asawa.

Napahawak tuloy si Andrew sa lamesa nang mapabagsak ang balikat, gumuho ang lahat ng plano niya sa nadinig,

"Alright." Nanlalambot na lang siyang napapunas sa mukha sabay buntong hininga.

Nasayang ang ilang linggo niyang pagpipigil bilang paghahanda sa sana'y espesyal nilang araw na dalawa.

** **

Nandoon ang bigat ng mga mata ni Andrew habang nagmamaneho, hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkairita sa mga nangyari, naroon pa ang pagkirot sa kanyang ulo na tila mas sumakit pa dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.

"Boys can you just stop even for a few minutes." gasgas boses na sambit niya sa mga anak na walang tigil pa rin sa pag aaway.

"Lay started it!" sigaw ni Laudrian habang tinuturo ang kapatid.

"It was Lauds fault!" hampas naman kaagad ni Laydon sa kamay nito.

Napasapo na lang si Andrew sa mukha nang makisali pa ang dalawa pang anak dito. Doon na niya ipinagkibit balikat ang mga kaguluhan.

Naihinto niya ang sasakyan nang maaninag si Vanessa sa gilid ng daan, napangiti pa siya nang makitang inaawat din nito ang panganay na anak na inaagaw ang hawak na payong.

Agad niyang ibinaba ang bintana upang mapansin nito pero nakatuon ang buong atensyon ng babae sa anak.

"Van hop in, ihahatid na namin kayo!" sigaw niya.

Doon lang ito napaangat ng tingin. "Andrew, hindi na. Malapit lang naman kami." Ngiting iwinagayway na lang nito ang kamay.

Binuksan niya na ang pintuan ng passenger seat sabay sinenyasan na itong sumakay. "The rains heavy, and it seems you're already having a hard time."

Isang malakas na hangin ang bumuga kaya muntik ng liparin ang payong nito. Tiling napakapit naman ang dalawang bata sa ina.

Wala na tuloy nagawa si Vanessa kung hindi ang pumasok sa kotse matapos pasakayin ang mga anak sa likod.

"Thanks Andrew," natatawang sambit nito habang pinupunasan ang sarili.

Mabilis lumipat ang atensyon ni Andrew sa rear view mirror ang mga paslit. Tahimik lang ang dalawang batang babae na nagsusumiksik sa gilid ng sasakyan, habang todo usisa naman ang apat niyang anak na lalake sa mga ito.

"Boys be nice," sita niya sa apat.

"Who're they?" kunot noong tanong ni Lawndalion.

Doon na bumaling si Vanessa sa likod. "Vangeline, Avery say hello."

Ngusong umirap lamang ang panganay nito, habang ngiting kumaway naman ang ikalawa sa mga batang lalake.

"Hello." sabay-sabay na saad ng tatlong magkakapatid habang tango lang ang ginawa ni Lawndalion.

Complexities of A Man (Book 1 of 3)Where stories live. Discover now