"Daddy!" Napayakap kaagad sa kanya si Avery nang pumasok siya sa loob ng silid.
Inalo niya kaagad ang anak habang binabalingan si Vanessa na wala pa rin malay sa kinahihigaan nito. Hinintay niya munang tumahan ang anak bago sila sabay na lumapit dito.
"Is she alright, what happened?" Baling niya sa nurse na nag aayos ng swero nito.
"Hinihintay pa po naming iyong ibang lab results niya sir," ngiting sagot ng lalake.
"What about her head," angat niyang usal nang maalala ang sumbong ng anak.
"Nacheck na po ni doc iyong results ng scan niya, wala naman pong kahit anong problem, nagasgas lang po si mam pakabagsak," sagot nito.
"Are you sure!" bulalas niya dulot ng matinding pangamba dahil sa kawalan pa rin ng malay ng babae.
"Andrew," nanghihinang sambit ni Vanessa nang magmulat ng mata.
Napasaludsod siya sa tabi nito sa sobrang tuwa. "Hey Van." Maingat niyang kinuha ang kamay ng babae upang marahan halikan.
Natatawang napakunot ito ng noo. "Bakit ka nandito?"
"I was worried when Avery called me," magiliw niyang sambit.
"Baka mahalata ka ni Lucy." Naroon ang pagka-aligaga nito habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
Isinantabi na muna ni Andrew ang tungkol doon, lalo pa at gumaan na ang pakiramdam niya nang makitang maayos ito. "I told her I had an emergency to go to," paninigurado niya dito.
"Huh?" lalo lang tuloy kumusot ang mukha ng babae pero hindi na ito nakapagsalita dahil sabay-sabay silang napatingin sa pumasok.
"Doc," agad na bati ni Andrew pakatayo muli.
"Good afternoon sir, so chineck na po namin si mam and everything seems to be fine," saad ng naturang babae sa kanila.
Doon siya napasalubong ng kilay dito. "What happened then."
"Nastress lang po si mam, kaya nagfaint siya, it's quite normal with her condition," paliwanag nito habang tinitingnan ang clipboard na hawak.
"Ho?" singit na lang ni Vanessa.
"What condition?" agad niyang sunod dito."Ow, you didn't know," napatawa na lang ang doctor sa kanila. "Buntis ho si misis, congratulations sir." Ngiting-ngiting bati nito.
"Andrew!" Nanlalaking matang napahigpit ng hawak si Vanessa sa kanya.
Ang matinding kaba ni Andrew ay agad napalitan ng nag-uumapaw na kasiyahan. Naging malapad ang kanyang ngiti bago mapabaling muli kay Vanessa. "We're having a baby," nanlalaking mata niyang sambit.
Napapigil na lang ng hikbi ito sabay takip sa bibig. "I'm sorry," mangiyak-ngiyak nitong saad kahit mayroon din ngiti.
Maingat niyang hinaplos ang buhok ng babae upang pakalmahin. "What are you saying, we're having a baby," muli niyang saad dulot.
Hindi siya makapaniwala na madadagdagan pa ang kanyang mga anak.
"Mommy, daddy." Tuwang-tuwang napayakap naman si Avery sa kanilang dalawa.
Mabilis nabalot ng mga tawa at pagbati ang buong silid dahil sa sigla nilang tatlo.
Nanatili pa sila ng isang buong araw sa hospital upang masiguradong walang komplikasyon si Vanessa bago sila umuwi. Laking pasalamat niya na lang at hindi tinotopak na magtawag si Lucy.
Kaya hanggang sa makarating sila sa tahanan ay naroon ang magaan na pakiramdam ni Andrew, namili pa siya ng mga bagong gamit para sa anak at kay Vanessa bilang pagdiriwang nila sa magandang balita.
YOU ARE READING
Complexities of A Man (Book 1 of 3)
RandomWhat will you do when an option is presented upon you. Will you remain true? Andrew had it all, a beautiful and caring wife and adorable set of children that loves him, but then the sins of his past crawl back knocking at his door. Giving him someth...