Playlist 3: Bulletproof Love - Pierce the Veil

108 22 8
                                    

Nag break kami ngayon ni Stephanie,parang akong binasag na salamin at naging isang milyong piraso, para akong pinupunit na papel paunti-unti, Ganito pala pakiramdam kapag iniwan ka sa ere ng Babaeng minahal mo ng husto at Itinuring mong parang Prinsesa, binigay mo lahat, pinagalayan mo ng oras,panahon at pera, hindi naman sa namumumbat ako pero ang tanong ko lang saan ba ako nagkulang? o baka sumobra ako kaya nalunod na siya at nagpasagip sa iba.

Ang sakit-sakit pala noh? pakiramdam ko nasayang lahat ng effort ko, nang pagmamahal ko, pakiramdam ko ubos na ubos ako, said na said.

Ang hirap iexplain unless na lang kung ikaw mismo nakakaranas, Naalala ko tuloy yung nabroken-hearted din yung bestfriend kong si Mon, grabe ang emo-emo niya inaasar ko pa siya, hindi ko alam maeexperience ko din pala yung ganito, Sa totoo lang nung una di ko magets kung ano ba talaga yung pinapatunguhan ng usapan namin kanina,Kasi dati-rati naman okey lang sa kaniya na sumama sakin sa mga events at gigs na pinupuntahan ko at nakikita ko naman siya na masayang kasama ako. Sabi pa nga niya sakin dati:

*Flashback*

"Okey ka lang ba talaga ?" tanong ko sa kaniya

"Oo naman nuh, basta kasama kita okey lang ako, ang mahalaga naman sakin makasama kita, masaya din naman sa mga ganito eh kahit medyo maingay" sagot naman niya saakin,sabay ngiti sakin ng pagkatamis-tamis.

Andito kami ngayon sa Coral View Park Sa Moa sa Venue ng Muziklaban 2012

Sobrang saya ko, dahil kasama ko ang pinakamamahal kong Prinsesa habang nasa isa sa hilig ko, ang pumunta sa gig, see simple lang naman pasayahin kaming mga boyfriend niyo.

*end of flashback

Alam ko naman na di niya talaga gusto ng maingay na kanta at saka hindi talaga siya Rakista, pero akala ko okey lang talaga sa kaniya, sana sinabi niya na lang na ayaw niya kesa sinabi niyang gusto niya sumama at saka wala siyang maisusumbat sakin dahil,

Mahal na mahal ko siya, Inalagaan ko siya sa paraan na alam ko at kaya ko, Binigay ko lahat-lahat ng meron ako wala na akong tinira para sa sarili ko, kapag may bagay siyang gusto binibili ko agad, Bag, Damit at sapatos, name it, bibilhin ko agad basta gusto niya kulang na nga ako na din magpaaral sa kaniya, pero siguro kung kaya ng budget ko yung tuition niya baka ginawa ko na din yan. Itinuring ko siyang parang Prinsesa, para na nga akong aliping-sagigilid sa sobrang pagaasikaso ko sa kaniya, Pinagsisilbihan ko siya kapag kakain kami sa bahay namin, sa bahay nila o kahit sa labas, Hatid-Sundo ko pa siya kahit nagaaral at may part-time ako kinabukasan,Hindi ko hinahayaang Maging Magisa siya sa paguwi o pagalis niya basta masigurado ko lang na okay siya kahit pagod na pagod na ako, ayos lang sakin. Ako nagdadala ng gamit niya kahit gaano kadami o kabigat,hindi ko din yan ginugutom, Lalo kapag kasama niya ako, doon kami kakain sa gusto niya kahit Gaano kamahal at kahit saang lupalop pa yun ng Pilipinas.

Kapag nagtampo siya sinusuyo ko agad, Sa tuwing nagaaway kami, kahit siya naman talaga may kasalanan, ako ang gagawa ng paraan para magkabati kami agad, ayoko kasing lilipas ang isang araw na hindi namin naaayos ang isang away, hindi ko kayang galit siya, hindi siya makausap at lalong Hindi ko kasi kayang matulog ng hindi kami nagkakaayos.

Ginawa ko lahat yun, Effort kung Effort, ayokong mawala siya sakin kaya ginagawa ko lahat ng kaya ko, lahat ng magagawa ko,
pero sa kabila nang lahat, ito iniwan pa din ako sumama kay Bryan porket mayaman yun, mas gwapo naman ako dun kamukha ko nga si Matteo Do,Pero joke lang yun syempre,kasi mas gwapo ako dun, Badtrip lang talaga.

Nung Una ayokong maniwala kahit may mga nagsasabi na sakin na nakikita nga daw sila na magakasama ni Bry, Sinasabi ko na lang na baka friendly date lang at sabi ko pa na di niya magagawa yun sakin dahil ginawa ko naman lahat magwork lang yung relasyon namin, At higit sa lahat diba kapag nagmahal ka hindi lang pagmamahal, at oras ang ibibigay mo, pati na din ang tiwala, kaya hindi ko talaga akalain na magagawa niya iyon saakin.

Kaso ito na, nasa harap ko lahat, sa bigbig niya pa mismo nanggaling, para akong binugbog ng katotohan, realtalk kung realtalk, ang sakit lang talaga.

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ng biglang may naglapag ng kung ano sa lamesa ko, tumingala ako at tinignan siya, o sabihin na nating tinitigan ko siya.

Ngumiti siya sakin

*Ang Ganda ng mga mata niya at ng mga ngiti niya*

At umalis din siya agad sa tabi ko at lumabas ng convenience store na iyon, pinanuod ko lang siya hanggang sa nawala sa paningin ko yung likod niya, at saka tinignan ko yung kung ano man yung nilagay niya sa lamesa ko, Pagtingin ko Cadbury Milk Chocolate pala, Napangiwi ako, di kasi ako mahilig sa Chocolates o kahit candy, sobrang tamis kasi,malamang chocolate nga kasi.

Nakita ko yung post-it note, tinanggal ko iyon sa pagkakadikit sa pakete ng tsokolate at binasa

Chocolates is sweet

it makes you forget the bitterness

of breaking up ~

So isa pala siyang Concerned Citizen, napangiti na lang ako, atleast kahit papano may mga taong concern sa nararamdaman ng iba kahit hindi naman talaga sila magkakilala.

Biglang nagring phone ko, agad ko namang sinagot

"Huy Pare saan na kayo ? kanina pa nagstart ah, malapit na yung Greyhoundz" yung tropa ko pa lang si Mon, yung tropa ko na pinagtripan ko nung nagbreak sila ng jowa niyang pangatlima pala siya sa boyfriend nun, malamang pag nalaman nitong mokong na ito ang nangyari, aasarin din ako nito at saka magyaya na ilibre ko siya nang alak.

"Sige Pare papunta na ako" mahinahon kong sagot, Sabay end ng call

Nilagay ko yung phone ko sa bulsa ko, tapos napatingin ako dun sa lamesa, Andun pa pala yung Cadbury, kinuha ko iyon at nilagay ko sa bulsa ko pati na din yung post-it note,nAt saka naglakad palabas ng Convenience store na iyon

"imomosh ko na lang ito" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papauntang B-side

*Sa Loob ng B-side*

Nagaantay na ang lahat sa pagtugtog ng Greyhoundz

The Rocker's LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon