"Isang grupo ng mga kabataan ay di umanong pinaslang sa hindi pa nalalamang dahilan. Mariin pa ding sinusuri ng mga pulisya kung ano nga ba talaga motibo ng suspek. "
Ito ang bumungad sa isang dalagita na naninirahan sa isang apartment na nangangalang Vanessa. "grabe na talaga ang panahon ngayon. Napakadelikado na." sa isip ng dalaga.
Agad nag asikaso si Vanessa dahil mahuhuli siya sa klase. Isa siyang 2nd year college sa kursong Architecture. Gustong gusto niya ang kursong ito dahil sa kagustuhang mapatayuan ng bahay ang kaniyang pamilya na nakatira sa probinsya ngayon. Hindi sila mayaman. Isang magsasaka ang kaniyang tatay at isa naming labandera ang nanay. Isa siyang iskolar kaya naman hindi na sila nagbabayad ng tutition. Isa siyang estudyante sa umaga at cashier sa gabi.
Sinigurado muna ni Vanessa na naka lock ang dapat ilock sa kaniyang apartment at tinahak na ang daan papunta sa kaniyang eskwelahan. Habang naghihintay ng masasakyan sa kanto, nagulat siya nang may humintong kulay asul na kotse sa kaniyang harapan. Na alarma naman agad ang dalaga kung kaya't kinuha niya ang mint spray na nasa bag niya. Mahirap na. wala nang magpapadala ng pera sa mga magulang niya sa probinsya. Isa pa, maliliit pa ang mga kapatid nito at panganay siya.
Biglang bumukas ang pinto at ilinuwa ang isang binata. Si Peter. Kapareho niya ito ng kurso at matagal nang may gusto sakaniya. Hindi din naman masisisi ang dalaga. Napakaganda at napakabait bukod dun, napakatalino pa nito.
"vanessa? Tara. Sabay ka na sakin. Total parehong building lang din naman tayo." Pagyayaya ng binata kay Vanessa. "ah..eh.. 'wag na. nakakahiya. Isa pa mayparating na din naming jeep." Ani ni Vanessa. Lumingon naman si Peter at tinanaw kung mayroon na nga ba talagang jeep na parating "walang dadaan dito, Vanessa. If you're going to wait here, you'll gonna be late. 7:30 ang pasok natin. 7 o'clock na oh" pagpupumilit ni Peter sabay wagayway ng cellphone niya na ipanapakita nga na 30 minutes na lang ay late na siya.
Wala nang magawa si vanessa at pumayag na lang.Habang tinatahak nilang dalawa ni Peter ang daan papuntang eskwelahan ay binasag ni Peter ang katahimikang bumabalot sakanilang dalawa sa loob ng sasakyan. "I like you, Vanessa. I really do." Ipinark ni Peter ang kaniyang sasakyan at humarap sa dalaga.
"gustong gusto kita Vanessa, pagbigyan mo na akong ligawan ka." Napabuntong hininga ang dalaga at " Peter, gusto mo lang ako at di mahal." Sa mga katagang iyon ay nag igting ang bagang ni Peter at umapoy sa galit. Hiawakan ni peter sa braso ang dalaga ng sobrang higpit at siniil ng halik. Buong lakas na tinulak ni Vanessa si Peter at sinampal ito. Akala ng dalaga ay mawawari na ito sa katinuan pero mali siya. Pinagpupunit ni Peter ang damit ni Vanessa. Bago pa man niya mahawakan ng tuluyan ang dalaga bumukas ang kaniyang pinto at hinila si Peter pagkatapos ay pinagsusuntok. "Deim...".
"hayop ka!" pagsuntok ni Deim, ang best friend ni Vanessa. Itinulak naman ni peter si Deim "what the fuck?! Ano bang problema mo?!" singhal ni Peter kay Deim " ang bastos mong hayop ka!" at sinugod uli ito. Hindi makalabas ng kotse si Vanessa dahil punit punit ang damit nito. "ka ano ano mob a si Vanessa?! Ha?!" hindi sinagot ni Deim si Peter at inambagan na lamang ng sobrang lakas na suntok sa mukha at nawalan ng malay.
Hinubad ni Deim ang tshirt niya at ipinasuot kay Vanessa. " Deim.. wala kang pang itaas." Ani ng dalaga. "mayroon. Nasa locker ko." Yiankap nito ang binata at humagulgol sa balikat nito. "shhh.. taha na. andito na ako" pagtatahan nito sa dalaga. "simula ngayon, Wala nang makakabastos sayo ng ganun. Aalagaan at poprotektahan kita. Pangako yan, Van."

YOU ARE READING
Katuwaan
Misteri / ThrillerNaniniwala ka ba kay kamatayan? Naniniwala ka bang siya ang susundo sayo pag oras mo na? Paano kung ang isang katuwaan ay maging sanhi ng iyong kamatayan? Makakaligtas ka pa ba dito? Kung si kamatayan mismo ang humahabol sayo Ika'y maghanda na Sapag...