1. Asul

22 0 0
                                    

"Lex, tapusin mo 'to saka eto, tapos ito" saad ni Boss Freddie sabay lapag ng sandamakmak na Mop at basahan, na dapat ko ng labahan.

"Sure Boss"

"ganyan dapat Angelo! hindi yung puro reklamo" at binatukan niya yung isa kong katrabaho na si Angelo. na sinabayan naman naming lahat ng pag tawa.

"oh siya, mauna na ako sa inyo ha. may date pa ko. babawi ako sa susunod" sabi ni Boss Freddie. Ang manager namin

"siguraduhin mo lang na nakakalasing yung bawi mo, boss ha!" sigaw ni Angelo at muli nag tawanan na naman lahat.

Ako si Alexianna Vivean Rosianno. tatrabaho bilang janitres sa isang arena. kakatapos lang ng isang sikat na banda mag concert dito kaya maraming trabaho. Grabe pa nga ang tao, sa sobrang busy halos hindi narin kami nakanood.

"tara na mga tsong. nakausap ko na manager nung banda. mag stay daw muna sila. hinahanap pa kasi nila yung singer. nawala daw eh" singit ni Carlos. kaya din kasi kami di pa maka out gawa ng may tao pa sa backstage, yung banda ang yung mga alalay nila.

"pano yung backstage? di pa natin nalilinis?" tanong naman ni Angelo. tahimik lang akong nag wawashing ng Mop at nakikinig sa kanila

"Ang bait nga tsong eh. nilinis na nila. hihintayin lang daw nila mahanap yung singer nila"

"aba, bakit naman kaya nawala yun?" Tanong ni Angelo habang nagpupunas ng pawis

"ewan. chicks yon puta. sana ako una makakita tapos iuwi ko na" loko ni Carlos

"pag ako naman nakakita ilibre ko para pogi points"

"Ililibre mo ng ano? kwek kwek? tanga mayaman yon. baka tapak tapakan ka lang non"

"teka teka. ano ba ulit pangalan non?" napahinto si Angelo sa pag wawalis at napatanong

"Genuine Roberts. Vocalist ng Band Alanyansa. At sorry nalang sa Inyo, Tomboy yon. Di niyo ba Alam?" Singit pa ni Christine isa din sa mga kasama namin.

"Aaaaaahw" sabay na pag iyak nina Carlos at Angelo

"Ano bang meron sa mga kababaihan ngayon? Bakit Ang dami sa kanilang nag sisipag tomboy?" At napa tingin naman sakin

"Wag kang gagaya sa kanila Lex ha?" Tumingin muna ako sa kanila at pinindot yung drain sa washing machine.

"Mas tuwid pa ko kesa sayo" ako

"Boom panis ka boy"

"Uwi na tayo kasi"

"Tara na Tara Tara!"

Pagtapos mag palit ng damit pang uwi. Umalis na din kami

Habang nag lalakad kami palabas ng arena nagkukwentuhan tungkol sa naganap na konsyerto ang aking mga kasama. Ako naman ay inaalala kung may nakalimutan ba dahil pakiramdam ko ay meron.

At ayon na nga. Nakalimutan ko ang crllphone ko

"Mga tsong! Nakalimutan ko cellphone ko sa maintenance room." Sabi ko at sabay sabay naman silang lumingon sa gawi ko.

"Samahan na kita" alok ni Angelo

"Hindi na, ako nalang. Mag kakaiba din naman tayo ng way pauwi e."

"Sige Lex. Ingat ka ha!"

"Bye Lex!"

"Ge! Ingat" sigaw ko sa kanila.

Tumungo ako agad sa maintenance room para kunin ang phone ko.

"Ayon ka. Bakit hindi ka sumama sakin, ha?" Pag kausap ko sa sarili ko

Her Heart Sings "Anna"Where stories live. Discover now