3. Shutter

19 0 0
                                    

"eh talaga naman palang tarantado ka e!"

kasalukuyan akong pinag bababato ng mama ko ng kung anu-ano na naman. di ko nga alam siguro dapat di ko nalang sinabi sa kanya eh. galit na galit tuloy. nalaman na kasi niyang umalis ako sa trabaho.

ito na kasi yung huling araw ko sa arena. di parin nila alam.

"mama naman eh ikaw din ang nagsabi na dapat matuto akong tumulong"

sabi ko habang nag papaikot naman kami sa sofa tinatangka niya kasing ibato sakin yung maliit na flower vase. ayoko pang mamatay no.

"pero hindi ko sinabi na magpakabayani ka! eto tatandaan mong bata ka ha. pinapatay ang mga bayani dito sa Pilipinas!"

kinuha niya yung mga pekeng bulaklak sa vase at yon yung binato sakin. pag tapon ay padabog siyang umupo sa sofa namin.

"anak naman eh. Mahirap maghanap ng trabaho dito. ultimo napatapos kita at ng ama mong walang hiya. mahirap parin."

umakbay naman ako sa kanya "mama. hahanap ako ng trabaho. malay mo may mas maganda diba"

pang aayo ko sa kanya.

"sa susunod anak, matuto kang intinidihin at mahalin ang sarili mo. hindi sa lahat ng oras mababalik natin yung tulong na ibinibigay natin sa mga tao. ayoko lang na sa bandang huli, ikaw yung mawawalan."

"alam ko ma. at hindi ko kakalimutan. aalis na ko ma."

"oh maaga pa ah? hindi ba tanghali pa pasok mo sa arena?"

"ma."

itinaas ko yung envelope na hawak ko "mag aapply na ko diba? kaya dapat maaga"

sabay tumayo na rin ako. pag dating ko sa may pinto palabas ng bahay namin ay nadatnan ko yung kapatid kong papasok ng bahay may bitbit na napakaraming groceries.

"Allexy? a-ano yan"

"groceries, ate"

Sabi niya ng walang emosyon ang mukha

"ano yang naririnig k- anak?! san mo ninakaw yan?"

tinakbo naman ni mama yung mga hawak ni Xy.

"pano mo nakuha 'to anak?"

dagdag pa ni mama habang kinakalkal yung halos sampung plastic ng groceries. may ilang kahon pa.

"binili ko ma"

sinasabi ko sa inyo malaking kasalanan sa batang to ang mag bigay ng expression.

"ano?! pusher ka na ba para makapag groceries ng ganto kadami"

"nakapulot po kasi ako ng pera, yon po yung pinambili ko niyan"

"hindi ba't sinabi ko? na pag nakapulot kayo ng pera ibalik niyo? o dalhin sa lost and find? san mo nakuha ang perang napulot mo?"

"Ma lost and found 'yon" pag tatama ko

"sa mall po" -xy

"oh edi may lost and find don"

"Lost and found" pagtatama ko ulit

"dinala ko naman po e. kaso ibinalik din nila sakin." tumingin lang kaming dalawa ni mama sa kanya

"isang linggo na po kasing nasa kanila yung wallet. at minamalas daw po yung personal nilang buhay dahil sa wallet kaya ibinalik nila sakin. ibinili ko nalang ng kailangan."

"magkano ba laman non?" ako naman yung nag tanong

"10k"

hinawakan ko agad yung balikan ng kapatid ko at napatingin naman siya sakin. "may tira pa ba?"

Her Heart Sings "Anna"Where stories live. Discover now