4. Cellar

10 0 0
                                    

naramdaman ko ang linawag ng araw na hinahaplos yung balat ko. kasabay non ay naramdaman ko yung ubod ng sakit na senasyon sa ulo ko. 

Dahan dahan akong bumangon at umupo sa hinihigaan ko. Hawak hawak ang ulo ko at dumadaing sa sinag ng araw

"Ate"

"Aah! Ano bang ginagawa mo diyan Xy!"

Prente siyang naka indian seat sa tabi ng higaan ko may hawak na cup noodles umuusok usok pa at naka titig sakin

"Sabi kasi niya bantayan kita at ibibigay niya sakin 'tong noodles e"

O_o

"Sino?"

"Sabi niya din wag daw sasabihin kung sino siya para ibigay niya sakin to"

Itinuro niya ang isang beanie/bonnet na suot niya

"At binigyan niya ko ng 1,000 para ibigay din sayo 'to"

Isang plastic ng mga tinapay, malaking juice box at gamot?

Anong nangyayare?

⊙﹏⊙

Inikot ni Xy ang sarili niya, tumayo, at iniwan ako sa kwarto.

Tumayo nalang ako at nag ayos ng sarili para bumaba at mag kape. Masyadong masakit ang ulo ko para intindihin ang pinagsasabi ni Alexy

Nang makababa naman ako ay dumiretso ako para mag timpla ng kape at iniwan ito sa lamesa para mag sipilyo muna matapos ay pumwesto ako sa lamesa namin at dinama muna ang aroma ng black coffee bago humigop dito.

Flashback

"Bottoms up! Bottoms up!"

"Whoo! Ang lakas ni Lex!"

"Hey i think maybe she's drunk?"

"Shems! Si Ms. Vocalist!"

"Hindi pa ho kami lashing, shashayaw pa nga po kami e! Deba Lexsh!?"

"Oo! Shayaw tayo!"

...

"Wow ganito pala kasaya malasing"

"Ang galing mo sumayaw Lex! Whoo!"

"Alex! Alex! Alex!"

"Hey, i really think you should go home"

"Nandito na naman si Ms. Vocalist oh!"

"Alam mo konti nalang iisipin ko ng crush moko"

"Yeah and you're literally being crashed in this dance floor"

"Hindi no! *Vomits*"

"Oh shit!"

End of flashback

!!O_O!!

!!>_<!!

"Anong nangyare?"

Wala sa sariling tanong ko sa sarili ko

"Ate, bakit hindi moko ginawan ng kape?"

Pumuslit si Xy sa gilid at sumalo sa mesa, mismong sa harapan ko.

Tinitigan ko siya habang mahinhin niyang ipinagtitimpla ng kape ang sarili niya.

Wala na kong ibang maalala kundi ang sumusuka ako sa damit ni Ms. Genuine Roberts!

Her Heart Sings &quot;Anna&quot;Where stories live. Discover now