2. Poster

19 0 0
                                    

sa isang malawak na lupain ng isang kaharian na pag mamay-ari ng aming pamilya. kasama ang aking gintong kabayo ay huminto ako sa isang dako dahil natanaw ko na ang pinaka magandang prinsesa sa balat ng lupa. isang prinsesang nagngangalang Yuwin.

kami ay may pinag usapang pagkikita sa araw na ito. sapagkat tatakasan na namin ang napaka mapanghusga na mundong aming kinabibilangan. upang ipagpatuloy ang aming bawal na pagmamahalan.

"Hindi ko na talaga kaya. gusto kong sumama sayo. umalis na tayo dito" umiiyak na saad niya habang bitbit ang kanyang mga kagamitan, aking siyang isinandal sa aking mga bisig. upang maramdaman niya ang init ng aking pagmamahal.

"huwag kang mag alala aking pinaka mamahal na prinsesa. kahit isa rin akong prinsesa ay kaya kitang protektahan" lalo siyang umiyak na napatitig sakin. ako rin mapatitig sa kanyang naggagandahang mga mata. akmang hahalikan ko na siya ngunit naramdaman ang kamay ko ang pagka iba ng pigura niya. mula sa sexy na bewan ay naging mabilbil ito. ng dumilat ako para siguraduhin. nakita ko ang galit na galit na mukha ng mama ko. na may hawak na panandok at hambang iapapalo sa aking pagmumuka.

pag hindi pa ko bumangon KASI NANANAGHINIP LANG PALA AKO!

"LETCHUGAS KANG BATA KA!" marahas na singhal ng mama ko. napalundag naman ako agad sa kama ko at tumakbo sa kabilang parte ng nito. patuloy naman akong hinabol ng mataba kong nanay paikot

"anong nginunguso-nguso mo jan ha?! sinong walang hiya ang kahalikan mo sa panaghinip ha?! mag salita ka!"

iniharang ko pa ang unan sa katawan ko para di ako matamaan ng kung anu-anong hinahahagis niya sakin.

"ma! dahan dahan naman! ma! masakit yan upuan na yan ma!"

hilong hilo na ko dahil kung san san na pala ko pumupwesto para lang maka-iwas. Mapanakit kasi talaga si mama

"walang hiya ka!"

isang malakas na sigaw ang narinig ko. bago ako madapuan ng lumilipad na monoblock sa katawan. ang gandang umaga

akmang may ibabato na naman saakin ang mama ko ng

"mama. handa na po ang almusal" malumanay na tawag ng aking nakababatang kapatid na mas mahinhin pa kay Shalany. kanina niya pa ata kami tinatawag pero dahil nga yung normal na pagsasalita ay kasing lakas ng bulong ko eh hindi namin agad siya narnig.

Her Heart Sings "Anna"Where stories live. Discover now