Di ko alam pero nung nalaman ko yun bigla ko nalang nasabi na "nagseselos ako tanga ka ba? Mahal kita". Di ko alam pero tinawanan ba ako? Matagal nya na daw hinihintay na sabihin ko yun. So ibig sabihin sa aming dalawa ako pala ang lalake diba po? :D
Nakipagbreak sya sa babae tapos tinanong kung pwede bang maging kami? Magpapakipot pa ba ako? OO na agad. :D Masaya naman kami oo may tampohan selosa kasi ako eh, pero lambingin lang nya ok na ulit kami.
Isang araw may pinakikilala akong kaibigan ko sa kanya naging sobrang close nilang dalawa yung tipong kahit selos na selos na ako wala lang sakanya. Dumating yung point na di ko na matiis ang selos kaya nakipagbreak ako sakanya, malakas loob ko eh kampante din dahil alam kong susuyuin nya ako. Pero walang suyuan na naganap nalaman ko nalang kinabukasan na sila na nung babae. Grabe di ko alam yung mararamdaman ko ang sakit di ko maexpain.
Ako yung nakipagbreak pero ako din yung nakipagbalikan. Sinuyo ko sya, tinatawagan ko sya di nya sinasagot to the point na yung pride ko nilunok ko para sa kanya, nagmakaawa ako't lahat-lahat pero wala parin sakanya.
Nasabi ko nalang "bakit ganun? isang taong mahigit na relasyon namin pinagpalit nya lang sa dalawang linggo pa lang nyang kakilalang babae? Oo di ako kagandahan pero di pa ba sapat yung pagmamahal na binigay ko sakanya? Yung mga pinagdaanan naming dalawa?"
Ang daming tanong sa utak ko ng mga panahong iyon.
Itutuloy ....