Akala Ko Ikaw Na

0 0 0
                                    

Nasira mo na ang tiwala ko noong una
Pero umasa akong ika'y magbabago pa
Kaya binigyan kita ng isang pagkakataon
Di ko naman alam na aabusihin mo 'yon

Ilang araw mo na akong di kinakausap
Ngunit tinitiis ko at pilit nagsusumikap
Sinasabi sa sarili, pinapaniwalaan
Mahal ako nun, di ako iiwan

Pero bakit mo iyon ginawa?
Mang iiwan na lang sa ere bigla
Maglalaho na parang bula
Ano ba ang ginawa kong masama?

Mahirap maiwan ng di alam ang dahilan
Para akong bulag na naghahanap ng kaliwanagan
Hindi alam kung saan na nga ba pupunta
Habang buhay na nga lang ba tayo mangangapa?

Akala ko ikaw na
Pinagmukha mo lang pala akong kahiya-hiya
Akala ko ikaw na
Pero ngayon, ayaw ko ng umasa pa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon