Chapter 1: Back to Philippines

745 9 3
                                    

Hayy, nako asan na kaya ang mga iyon. Kanina pa ko nakatayo dito sa harap ng airport. Nakuu! ngawit na ngawit na ang mga paa ko kakahintay.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan ang aking mother.

*dial,dial*

*dial,dial*

*dial,dial*

*dial,dial*

*dial,dial*

Ano ba yan bakit ayaw niya sagutin yung tawag ko.

*dial,dial*

*dial,dial*

*dial,dial*

*dial,dial*

*dial,dial*

"The number you dial is busy at the moment, please try your call later... Toot toot"

UGHR!!!! Nakakainis na sila! Kung hindi pa nila ko susunduin dito. Mag ta-taxi na lang ako. Aba biruin mo tatlong oras na kong nag hihintay dito at naka 50 times na 'kong tumawag sa kanila. Pero ala parin. Hay nako! Mag ta-taxi na lang ako!

"Taxi!" Tumawag ako ng taxi at pinalagay ko na sa kanila ang gamit ko sa likod at sumakay na ko.

Hayy! Akala ko malilibre ako ng pamasahe pauwi ng bahay pero hindi!! Bwisit!

"Miss, saan po tayo?" Tanong ni manong driver.

"Makati po."

"Ok..." Sabi ni manong.

"toot,toot,toot" Huh cellphone ko yun ah.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nakita kong,

Si MUDRA tumatwag. Hayyy Jusko! Kung kelan nama nasa taxi na ko pauwi eh!

Agad kong sinagot ang tawag ni mama at tinapat ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello..." Poker face kong sabi.

"Nako anak asan ka ba! Nasa airport na kami ng Papa mo! Asan ka??" Nako boses pa lang ni mama eh mukang atat na atat na siyang makita ako. Hayyyy! NAMAN! Kung kelan nakalayas na ko ng airport saka dumating!! Hayy!! Nakakaloka!.

"Ma, umalis na ko ng airport dahil sobrang tagal niyo. Kung gusto niyo ko sunduin. Puntahan niyo ko sa chowking malapit sa airport." Sabi ko at pinatayan ng cellphone si mama.

"Kuya, diyan na lang po sa chowking." Sabi ko kay kuya at hininto na niya ang sasakyan sa tapat ng chowking.

"Kuya pasensya na kayo. Eto po ang bayad ko. Kukunin ko na lang po gamit ko sa likod. Salamat po at pasensya." Binigay ko kay kuya ang bayad at lumabas ng sasakyan at kinuha ang mga gamit ko sa likod. Binaba ko na iyon at umalis na yung sinakyan kong taxi at pumasok na ko sa loob ng chowking.

Umupo muna ko at hinintay sila mama, ULIT.

Hindi na ko umorder ng pag kain dahil hindi naman ako gutom. Nalipasan na ko ng gutom dahil kakahintay kila mama.

Habang nakaupo ako. Naisipan ko munang mag c.r. Kaya naman tumayo ako at sakto namang pag tayo ko ay may nakabundol ako at dahil na out of balance ako nasaldak ako. Hayy! Ano ba yan! Minamalas ba ko?!!

Agad naman akong tumayo. Buti na lang nakapants ako ngayon dahil kung nag palda pala ko baka nakitaan na ko.

"Ano ba? Bulag ka ba at hindi mo nakikita yung dinadaanan mo?! Grabe hindi man lang mag sorry." Sabi ko sa kaniya with sobrang galit sa tono ng boses ko.

THE COLD ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon