Chapter 5: 1st Day

207 5 3
                                    

Clara POV

"I told you last night na bawal kang malate!!" Naku lagot na. Bwisit naman kasi, litse naman oo!

Kanina kasi nagising na ko ng 6am dahil nag alarm ako kaso nga lang bigla akong nakatulog uli kaya naman 8:30 na ako nagising at 9:25 na akong nakarating ng studio at heto ngayon si Christian galit na galit.

Esshh! Eto ang isa ko pang ayaw sa mga cold guys. Matindi kung magalit. Psh.

"Sorry po, eh sir nagising nama---"

"Psh. Huwag ka na mag explain! YOU. ARE. FIRED!!" O_O

Ah-- Para akong nabingi sa mga sinabi niya. 1st day ko at na fired agad! Lechugas naman oh! Tutal andito kami sa private office niya lulubusin ko na, kahit labag sa kalooban ko...... Mag mamakaawa ako dahil kailan ko ng trabaho.

"Sir..." Hmm, big word 1st time ko siyang tinawag na sir. 

Hindi siya umimik kaya naman itutuloy ko na ang pag mamakaawa ko.

"Sir please po. Kahit ano gagawin ko wag niyo lang ako tanggalan ng trabaho. Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Sana po maintindihan niyo. Kailangan ko pa talaga ang trabahong ito." Pag mamakaawa ko. Aish, sana naman makunbinsi ko ito.

"Anything?" Sabi niya at tumango ako.

"Yes sir."

"Be my slave and at the same time hindi mawawala ang work mo dito sa company ko. Susweldo ka ng 500,000 pesos monthly sa pagiging photographer mo at susweldo ka ng 30,000 pesos sa pagiging slave ko. Deal?" O_O TAE!!!!!!!

Ako slave niya!? Ako talaga na matindi ang pag kaka ayaw sa mga tulad niya. Bwisit naman!!! Hay kung paiiralin ko lang itong pag kabwisit sa mga cold guys mawawalan ako ng trabaho pero pag naging slave ako ni cold guy. Magiging dalawa ang sweldo ko which is one from being a photographer and the other one being he's slave. Hayy!! buhay. Bahala na.

"D-deal." Sh*t wala sa loob ko ang pag payag sa bwisit niyang deal.

"Good. Madali ka naman palang kausap eh. Bukas mag start ang pagiging slave mo at ngayon ang start ng trabaho mo sa company ko." Sabi niya at lumapit siya sa intercom at tinawag ang secretary niya.

*knock, knock*

Siguro yung secretary na yun.

"Come in." And I wss right. Si Cindy nga yun, yung secretary ni Christian.

"Ano po iyon sir?" Tanong sa kaniya ni Cindy.

"Ipaliwanag mo ang trabaho ni Ms Park sa kaniya at dalin mo siya sa editing room doon mo siya ilugar." Sabi ni Christian kay Cindy.

"Yes sir. Ms Park, lets go." Sabi ni Cindy kaya naman sumunod na lang ako at naiwan na sa loob ng private office si Christian.

"Hey Clara. 1st mo today sa job. Mukang uminit ang ulo ni sir kanina nung makita ka ah. Hanggang labas rinig ang boses sa sobrang galit. So tell me what happen later ah. Chikahan tayo mamaya but for now. Ipapaliwanag ko sayo ang trabaho mo. Come." Sabi niya kaya naman kinuha ko na ang mga gamit ko at sumunod kay Cindy sa elevator.

"So Clara, bilang isang photographer dito sa PicTell Studios. Kelangan ikaw rin mismo ang gagawa ng sariling articles for your pictures. Sa pag kukuha ng pictures dapat hindi lang simpleng kuha kung di ay dapat ibigay mo ang best mo. Kapag may mga projects tayo na dapat gawin sa ibang lugar. Be ready dahil ikaw lang ang photographer namin. Bilang photographer namin dapat masanay kang napapagod palagi dahil si Sir mapili yan pero kahit wala kaming photographer kung minsan. Always at the top kami kaya naman galingan mo dahil isa ka aasahan ng company na ito para mapanatili sa top ang magazine natin  dahil ang pictures ang nag dadala sa isang magazine. Kelangan sundin mo lahat ng sasabihin ni Sir kung hindi sigurado tanggal ka sa trabaho kaya naman Clara good luck. Eto ang editing room pumili ka na lang ng table mo sa loob dahil lima ang table diyan. Nga pala dalawa lang kayo sa editing room sana mag kasundo kayo. Sige Clara good luck on 1st day. Bye." Sabi ni Cindy at iniwan na niya ko sa tapat ng editing room. Woo grabe haba ng sinabi niya. At galingan ko daw. Psh, magaling ako pag dating sa pagiging photographer. Like duh?? Ako ang palaging panlaban ng school namin sa Presscon and mula DSPC(district school presscon) hanggang NSPC(national school presscon) ako ang palaging champion. So san ka pa? ^-^

THE COLD ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon