Prologue

2K 37 2
                                    

 The Pregnant Student Prologue

I impatiently tapped my foot on the floor and laid my head back on my chair. Pinikit ko rin ang mata ko at minasahe ang sumasakit kong ulo.

"Jesus Christ." bulong ko sa sarili ko ng mas lalo pang lumakas ang iyak ng bata na naririnig ko. Dumilat ako at nanlilinsik na tumingin  sa katabi kong bata na ngawa ng ngawa. I hate children. I hate them so much. They're noisy, always dirty and stubborn and they're brats. You do everything for them na para bang wala silang kamay at paa.

Huminto saglit yung bata sa pag-iyak like for a second then he started crying again, even louder. Tumingin ako sa nanay niyang buntis na wala pa rin pakialam. Bingi ba siya at hindi naririnig kung gaano nakakarindi pag-iyak ng anak niya?!

"Excuse me, manang." sambit ko at tumingin naman sakin ung babae.

"Baka naman gusto niyo patigilin ang anak niyo sa pag-iyak? Nakakabingi kasi. Nakakairita pa."

"Ang arte naman nito." sabi nung babae at inirapan ako tsaka niya kinandong yung anak niya. Umiling nalang ako at tumingin sa puting pader sa harap ko. This probably is my worst day. I'm here in the hospital, which I don't really like and I’m hearing all these bunch of kids' noises. I especially hate them crying.

"Nurse," tawag ko sa nurse na dumadaan sa harap ko.

"Matagal pa ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa hawak niyang clipboard. "Mga isang oras pa. Ang dami kasing pasyente ni Dr. Dela Cruz ngayon eh."

Lumunok ako at pilit pinipigilan ang pagsabog ng inis ko. Tumingin ako sa mga babaeng malalaki ang tyan na nag-iintay ng turn nila. Ang ilan sa kanila ay may kasamang mga bata katulad ng katabi ko. This is my kind of hell. This is torture. Tumahan nga yung katabi kong bata may umiyak naman ulit na bata at tumitili pa talaga. Bwiset na tyanak na bata yan.

 "Ms. Reigan Alviar?" tawag nung nurse sa pangalan ko pagkatapos ng higit isang oras. Tumayo naman na ako sa upuan ko at sinundan siya papasok sa pinto ng doctor.

Halatang medyo nagulat ang doctor ng makita niya ako. Do I look that young for her? She even looked over my back like she was expecting a parent or a guardian to come in.

"You look younger than I expected. Have a sit Ms. Alviar." sabi niya at tiningan ang medical chart na nasa lamesa niya. I scoffed. Lumapit ako sa lamesa niya pero hindi ako umupo.

"Don't worry. I'm nineteen years old. Legally an adult." sambit ko kaya nawala ang tingin siya sa chart at napunta sakin. Kinuha ko naman ang backpack ko at binuksan ito tsaka ko sinabog sa lamesa niya yung laman.

Pabalik-balik ang tingin niya sakin at sa lamesa niya kung saan kumalat ang mga pregnancy tests na nagamit ko.

"I've used more than ten pregnancy tests and every single one of them has two lines. Please tell me I'm not pregnant, Dr. Dela Cruz."

Kumurap ng ilang beses si Dr. Dela Cruz at chineck yung mga pregnancy tests. Napapikit ako sa inis at nagdabog sa lamesa niya kaya naman napahawak siya sa dibdib niya.

"Ah, you scared me!"

" Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Diba sabi ko dalawa lines sa lahat? Bakit hindi ka nalang maniwala at hindi mo nalang sabihin sakin na hindi ako buntis?"

"Paano ko sasabihin sayo na hindi ka buntis eh—" napatigil siya sa sasabihin niya at lumunok.

"I mean kailangan mo pa magpa-blood test. Usually kinabukasan mo pa makukuha yung result pero tatawag nalang ako sa pathology department para unahin ka nila—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at lumabas na ng room para magpakuha ng dugo. Bwiset.

 Hindi ko alam kung bakit ang tagal-tagal na nakatulala ung doctor sa result ng blood test ko. Ilang minuto lang siyang nakatulala dun bago ako tingnan.

"Ms. Alviar, you are six weeks pregnant."

"Are you fucking kidding me?"

From the day I discovered that I was pregnant, my life became more complicated and messed up than it was. My life sucked, it never got better then it just sucked again and again and until the end it still sucks. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Pregnant StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon