Sana ay hindi ka na nagpakita

9 3 0
                                    

Ako'y nasa eskuwelahan
Kasama ang aking mga kaibigan
Na masayang nagkukuwentohan
Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan
Ika'y aking nasulyapan
Ako'y hindi makapaniwala sa aking nakita
"Totoo ba to?" Tanong ko sa aking sarili
Gusto kong umiyak dahil sa aking mga naalala
"Sana'y hindi ka na nagpakita" bulong ko ulit
Dahil naalala ko na naman
Ang iyong kagaguhan
Gusto kitang lapitan
At saka sapakin at murahin
Ngunit hindi ko kayang gumalaw
Para akong lumilitaw
Sa isang lugar
Na parang ikaw at ako lamang
Hindi ko na maintindihan
Ang aking nararamdaman
Halo-halong emosyon
Na hindi ko inaasahan
At hindi ko nagustuhan
Pagkat ako'y nalilito na naman
Ika'y lumingon sa akin
Gusto kitang tanungin
Kung anong ginagawa mo dito
Dahil parang sinasaksak ang puso ko tuwing nakikita kita
Ngunit Wala along magawa
Para akong kawawa
Na nakatayo rito
Na nakatulala
Na parang nakakita ng isang multo
Isang multo na hindi ko inaasahang makita
Naalala ko na naman ang mga panahon na ako'y nagpakatanga
Nagpaka bulag sa katotohanan
At hindi ito pinaniwalaan
Kahit ilang beses mo na akong niloko
Ako'y hindi parin natututo
Ngayon ako'y natututo na
At hindi na magpapakatanga
Hindi na rin ako aasa sa isang taong hindi ako gusto
Ngayon ako'y masaya
Dahil ako'y nagparaya
Sana'y hindi na magtagpo muli ang ating landas
Gusto ko nang umiwas
Ito lang ang aking hiling
Sana'y ako'y iyong pagbigyan
At ang desesyon ko ay pababayaan

Plss. vote and comment



Spoken poetryWhere stories live. Discover now