Gusto kita

18 3 0
                                    

Noong una palang kitang nakita
Para kang bituwing nagniningning sa aking mga mata
Doon ko lang nasabi sa aking sarili "gusto kita"
Bago ko nasabi yan alam kong ako'y nagpapakatanga
Dahil alam kong may gusto kanang iba
Nakikita ko ito sa iyong mga mata
Ngunit dahil sa labis kong pag-ibig para sayo
Kinalimutan ko
Na may gusto ka sa iba
Dahil mahal kita
At gusto kong mapasaakin ka
Ngunit wala akong nagawa
Dahil ako'y nakokonsensiya
Pagkat alam kong gusto ka rin niya
Sadyang nahihiya lang siya
Nahihiya lang siyang sabihin sayo
Na ikaw ang itinitibok ng kaniyang puso
Ngunit hindi naglaon ika'y nagtapat sakanya
Na labis kong ikinadismaya
Dahil akala ko mapapasaakin ka na
Ngunit ako'y nagkamali lang pala
Dahil kahit anong gawain ko, sakanya ka parin napupunta
Kung kaya't pinigilan ko na
Ang damdamin kong mahalin ka
Nang higit pa sa pagmamahal na ipinaramdam ko sayo noong umpisa
Noong umpisa palang akong umibig sako sinta
Sinta tatapusin ko na
Ang aking ginawang tula
Dahil wala na akong magagawa
Dahil mapupunta ka na sakanya
Wag kang mag-alala
Dahil ako'y magiging masaya
Para sa inyong dalawa

Hi guys ang tula na ito ay dedicated to myself hahahahahah para akong tanga na umibig sakanya. Kahit pa alam kong hindi ako ang itinitibok ng puso niya...:(

Spoken poetryWhere stories live. Discover now