Chapter 2

4 0 0
                                    

"Win, isa pa raw nung cupcake, tapos may mga nakapila na doon sa photobooth," Ate Princess said, one of the council of the org.

"Sige ate, ako muna magbabantay doon sa photobooth. Patulong ka muna kay Eric o kaya kay Nel pag maraming bumili ng pastries," sabi ko habang inaabot ang isang cuocake

Today's the last day of the org fair kaya sobrang busy ngayon, although maraming ginagawa I'm still enjoying naman. Buti na lang tinutulungan din kami ng ibang blocks from our department.

Dumiretso naman ako sa may photobooth, and saw some of our classmates lining up.

"Reese, ako muna dito. Pahinga ka muna," sabi ko sa kanya dahil napapansin kong kanina pa siya dito at medyo marami pa ang nakapila.

"Sige sige, sila Fritz na ata yung susunod sa pila. Doon muna ako kila ate Princess, makikingi ng cupcakes," she told me excitedly then ran off to the booth.

"Winter! 'Yon yon naabutan ka rin namin" Fritz showed up, "Wait picture muna kami"

I saw Fritz, and her boyfriend, as well some of our classmates preparing to take their picture.

After their turn, Fritz and her boyfriend headed to my spot.

"Win, sama ka inom 'maya and tomorrow!" Fritz told me excitedly.

"Wow, lakas niyo ah," I told them while laughing, "Sino-sino ba kasama? Pero baka bukas siguro since wala naman na ata akong gagawin."

"Kaming dalawa, tapos si Eric, si Jaiden pinipilit pa namin pero pag nalamang sasama ka sasama na rin 'yon" she said jokingly.

"Gago, "I told her, laughing at her nonsense, "'Wag kayong issue. Basta sabihan niyo na lang ako, baka sumama naman ako bukas. May gagawin pa kasi ako mamaya."

"Sige sige bes, sure yan ha! Bawal tokis." she said, "Basta magyayaya pa kami para marami tayo"

Umalis na sila agad pagkatapos kunin yung mga pictures nila. Maybe they're gonna roam pa sa other booths.

"Win! Are you done na?" asked Lily.

"Malapit na. Samahan mo ko mamaya sa shed, may meeting lang yung isang org." I told her, "Mabilis lang promise!"

"Sige, sure ah. Andon naman crushie ko," she said dreamily. 

She and her boyfriend already broke up. Nahuli ni Lily na niloloko lang pala siya nito. Tangina talaga 'non pag naalala ko lang. Buti na lang wala na kay Lily 'yon. But I know her, ayaw lang niya ng gulo kaya pinapakita niya na wala lang 'yon. Nako talaga 'pag nakita ko lang yung pagmumukha 'non, babasagin ko talaga ulo 'non.

"Gago, 'di ka papatulan 'non" I teased her. Crush na crush talaga non si Wren, officer sa isa kong org. Sabagay, may itsura naman tapos matalino pa.

"Ulol, stop shattering my dreams. Basta ang importante kilala niya ako" sabi niya.

"Tara na nga," I told her, habang hila-hila ko siya papunta sa meeting place. Malapit lang naman 'yon sa booth.

Nakita ko yung mga ka-orgmates ko sa sa shed, seryosong nag-uusap. Baka may issue na naman.

"Win!" tawag nila sa akin.

"Buti andito ka na, may need tayong i-post na statement mamaya." sabi ni Wren.

"Ha? Tungkol saan? Bakit mamaya agad?" tanong ko, kinginang yan gagawa na naman ng pubmat.

"Doon sa tuition fee increase" sabi ni Hazel, "Sorry na sis, kailangan na talaga, ngayon lang nakagawa ng statement eh alam mo namang busy dahil sa Org Fair"

"Sige lang, what time ba?" I asked her, wala naman na akong magagawa.

"10 pm pa naman kaya may time pa" she said.

I nodded then looked at Lily who's looking naman at Wren, ang harot ng babaeng 'to. I pinched her side discreetly kasi masyado na siyang halata.

"Gago, baka matunaw naman yung tao," I told her.

"Tangina ka, ang ingay mo," she said, shushing me. Natawa na lang ako sa kanya, kasi biglang lumingon sa amin si Wren.

Pagkatapos ng meeting namin magka-sabay na kaming umuwi ni Lily.

"Serina, daan muna tayo Mcdo please, nagutom ako eh" she said, trying to act cute by calling me by my first name.

"Ano ba namang mukha yan, oo na" I told her.

Dumiretso muna kami sa Mcdo, habang nakapila si Lily naghanap na muna akong mauupuan.

I looked for some available seats and saw na puno na halos lahat, uwian na nga rin pala kaya siguro ang daming tao.

After finding a seat, I saw some blockmates also eating here.

I also saw Fritzy, along with her boyfriend and their friends. Lumapit sila nang makita nila ako.

"Win, ikaw lang mag-isa?" asked Fritz.

"Ah no, kasama ko si Lily," I told her, I saw Lily's already ordering, "Kayo ba?"

"Kakain muna bago dumiretso sa taft," sabi niya. Doon ata sila iinom.

"Sama ka na? Kasama namin sila Reese," sabi ni Blake. Lumingon ako sa table nila at nakitang kasama nga nila si Reese, along with our other blockmates. Wow dami nila ah.

"Bukas na, may gagawin pa ako eh" I told them, while laughing.

"Inaasahan ka pa naman ni Den," sabi ni Fritzy, I saw how she looked at me.

"Gago, hilig niyong mang-issue 'no" sabi ko sa kanila.

'Di ko alam kung bakit ang hilig nila akong asarin doon kay Jaiden, amputa nananahimik yung tao eh. Buti na lang dumating na si Lily kaya umalis na rin sila Fritzy.

"Ano yon? Inaaya ka ulit uminom?" tanong niya.

"Oo, sa taft daw eh. Sama ka? Sasama ako bukas sa kanila, iinom din sila bukas eh" aya ko sa kanya.

"Lakas naman nila," sabi niya. "Try ko, sabihan na lang kita" sabi niya sa akin.

May mga ka-close naman si Lily sa kanila kaya walang problema kung sasama siya. Ayaw niya lang talaga kila Blake.

Nakita kong kumakaway sila Fritz tsaka si Reese habang papalabas, iinom na ata sila. Habang kumakaway sa kanila, napadako ang tingin ko sa isa pa nila kasama. Si Jaiden. Nakita kong nakatingin siya sa akin habang kinakausap siya ni Blake. Nginitian ko na lang siya, at tinuloy na lang ang kinakain.

Gwapo naman si Jaiden, 'di ko lang talaga type. 'Di rin naman kami close since sa kabilang block siya. Naging kaklase ko lang naman siya nung 2nd year eh. He's okay naman, I guess? Dami nagkaka-crush eh.

"Lily," tawag ko sa kaibigan ko. Tumingin naman ito sa akin nang may pagtataka sa mukha?

"Ano tingin mo kay Jaiden?" tanong ko sa kanya.

"Huh?" gulat na sabi niya sa akin, "Bakit? Nilalandi ka?"

"Hindi, ang kulit nila Fritzy eh, lagi ako inaasar 'don" sabi ko.

"Gago, malandi 'yon. May nilalandi raw 'yon ngayon sa Educ eh," sabi niya.

"Saan ka na naman nakiki-chismis?" sabi ko sa kanya habang natatawa.

"Sabi lang sa akin nung kaibigan kong taga-educ, crush niya 'yon eh" sabi niya, "Sabihan mo ako 'pag nilandi ka 'non ah"

"Sus, bakit? Ano gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman, para naman may lovelife ka na," pang-aasar niya sa akin.

"Gago, wala akong time dyan" inirapan ko na lamang siya.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Contradicting OddsWhere stories live. Discover now