045 | n

193 11 4
                                    

yunseong.

"good morning yunseong!" bati sakin moonhyun kaya kinawayan ko siya. umupo naman ako sa tabi niya at inayos ang bag ko.

"pumasok na ba si mini?" tanong ko sakanya pero tumawa siya bigla.

"yunseong sabog ka ba? baka nalilimutan mo, parating late yun." natatawang sabi nito kaya napakamot ako sa ulo ko. oo nga pala.

napatitig nalang ako sa kawalan at inisip ang sitwasyon namin ni minhee. dati ko lang siyang crush tapos ka-free trial ko na. pero boyfriends na din ang turingan namin, buti nga hindi ganon ka awkward eh. pero paano kaya pag nahanap niya na yung soulmate niya kung kailan naattach na ako sakanya? paano din kung dumating soulmate ko kung kailan totoo na pala yung feelings ko sakanya?

napabuntong hininga nalang ako. hindi ko din alam kung bakit ko pinasok 'to. pero sana. sana siya ang soulmate ko. sana magkatotoo yung panaginip ni minseo. sana siya na talaga.

kinapa ko naman ang bulsa ng pants ko para kunin ang cellphone ko pero di ko nahanap kaya kinuha ko nalang yung ballpen na nakalagay dun. dahil wala naman akong magawa ay naisipan kong magdoodle sa braso ko. ewan ko, tinatamad naman ako kunin yung papel ko.

nagdoodle ako ng minhee sa braso ko at napangiti nalang nang matapos na ko. feeling ko onti nalang talaga malapit na akong mahulog sakanya eh.

"watch me WHIPPED, watch me naenae!" napatingin naman ako sa taong nakatayo sa harap ko at natatawang hinampas siya.

"kanina ka pa diyan?" tanong ko naman sakanya.

"oo eh. naks naman, minhee with a heart. ano yan, stay strong with a heart ganon?" sabi nito kaya natawa naman ako. umupo naman siya sa armchair ko. aba, kapal ng mukha nito ah.

"siraulo ka talaga kahit kelan dongyun. asan na ba yung jowa mo?" tanong ko sakanya kaya bigla naman siyang napatayo.

"grabe ka naman manakit pre. nananadya ka porket may jowa ka ah!" sabi naman nito na nakahawak pa sa dibdib niya. drama ampotek.

"drama mo tanga. asan nga?"

"alam mo tangina ka. wala naman akong jowa tas maghahanap ka sakin????" sabi nito kaya napatawa ako.

"ay sorry! si changwook pala." sabi ko naman at ngumisi kaya tinignan naman niya ko na parang nandidiri.

"sure ka na ba diyan? final answer?" tanong nito kaya napatawa naman ako.

"bakit ka ba andito ha?-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tawagin ako bigla.

"yunseong! hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." sabi bigla ni moonhyun sakin kaya napakunot ang noo ko.

"anong nangyare sayo?"

"si minhee!" napatayo naman agad ako. shit, anong nangyare sayo minhee?

"anong nangyare kay minhee?"

"andito na siya! maaga siyang pumasok!" napaupo naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"tangina mo akala ko kung anong nangyaring masama!" sabi ko naman kaya nag peace sign lang siya.

"halika na puntahan natin boyfriend mo!" sabi naman niya at hinila pa ako palabas. para namang hindi kami nagkita ng ilang araw, iniiwasan ko nga para maiwasan ko din maattach eh. hehe jk.

"petit!" tawag sakin ni mini nang makita niya ko at kumaway. kumaway naman ako pabalik at naglakad papunta sakanya.

"ay ang bagal di ako excited makita!" sabi nito kaya napatawa ako. nagjog naman ako papunta at nagulat ako nang yakapin niya ako pagkarating ko dun.

ayoko ngang maattach tapos yayakapin mo ako tama ba yon!!!

"may utang ka sakin ah." bulong nito bago bumitaw sa yakap kaya nagulat ako.

oh shit bakit ko nga ba sinabi yun?

nagusap usap naman sila pero hindi ako makapagfocus kasi iniisip ko kung pano ko siya hahalikan. kasi naman, bakit ba ngayon lang ako nagjowa?

nagpaalam na sila isa't isa hanggang sa naiwan nalang kaming dalawa.

"uh mini..." tawag ko sakanya kaya napatingin siya sakin.

"bakit petit?" tanong naman nito habang nakangiti kaya napangiti na din ako. ang ganda talaga ng ngiti nito.

mabilisan ko siyang ninakawan ng halik sa labi at pagkahiwalay ko ay halatang gulat na gulat siya.

"oh ayan, bayad na utang ko ha." sabi ko naman at kinindatan siya.

napahawak naman siya sa labi niya at hinampas ako. "sira! may utang kang oras sakin! tangina mo di ako prepared!" nagulat naman ako sa sinabi niya.

ano kamo? oras???????

ramdam ko namang namula ako sa hiya kaya napatawa siya.

"cute mo talaga. pero salamat ha, next time ulit." sabi nito at kumindat at pumasok na sa room niya.

naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko at hinawakan ang labi ko.

damn, gusto ko na nga si minhee!

***

alam niyo,, kelangan ko tutorials pano magnarrate 😔

soulmates | minhee & yunseongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon