055 | n

166 10 5
                                    

minhee.

napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok. baka si seungwoo hyung na 'to o si yunseong. tumayo naman ako para buksan ito at bumungad sakin si yunseong. agad naman akong napangiti at pinapasok siya.

"oh bat parang antahimik mo ata?" tanong ko naman sakanya kaya napatingin siya sakin.

"kinakabahan ako." sabi niya at umupo sa sofa kaya napatawa ako.

"bat ka naman kinakabahan? di naman nangangain si seungwoo hyung." sabi ko naman sakanya.

"eh kasi... ah ewan!" sagot niya naman at sumandal kaya napatawa ako. ang cute talaga nito!

"cute ampotek. wag ka nga kabahan!" sabi ko at tumabi sakanya.

"paano natin ieexplain na free trial lang 'to? baka magalit pa satin yun." sabi niya naman kaya umiling ako.

"di magagalit yun. nakipagfree trial na din kay seungyoun hyung yun, pero nahanap agad ni seungyoun hyung si wooseok hyung kaya ayun." sabi ko naman sakanya kaya nagulat siya.

"hala weh? puta puro free trial pala sa x university eh." sabi niya kaya napatawa ako.

pero oo nga 'no? ngayon ko lang din napansin. halos lahat nag free trial, tapos ni-isa di nila soulmate. sana si yunseong nalang soulmate ko, hays.

napatingin naman kaming pareho nang may biglang may kumatok. napatingin naman ako sakanya at napalunok nalang siya sa kaba. napatawa naman ako at hinawakan ang kamay niya. bumitaw agad ako para buksan ang pinto at bumungad sakin si seungwoo hyung na may dalang donuts!

"minhee!" tawag niya sakin at niyakap agad ako. 'to naman si hyung, miss agad ako! HAHAHA

"miss mo naman agad ako!" sabi ko naman dito at pareho kaming bumitaw sa yakap.

"aba syempre naman! tumangkad ka nanaman hoy tama na!" sabi nito kaya napatawa ako. pareho kaming napalingon kay yunseong at nginitian kami ni yunseong.

perO ANG AWKWARD NG NGITI NIYA HAHAHAHSHSHAH pero cute hehe.

"so sino 'tong lalakeng andito? boyfriend mo ba 'to?" tanong nito at agad umupo sa tabi ni yunseong at inakbayan siya. speed lang

"a-ah hello po." kabadong sabi ni yunseong kaya napatawa ako sa isip ko. ang cute tangina!!

"wag kang kabahan boy, di naman ako nananakit. pwera nalang kung saktan mo 'tong kapatid ko." sabi ni seungwoo hyung kaya napalunok naman 'tong si yunseong. nilakihan ko naman ng mata si seungwoo hyung at ginantihan niya din ako ng parang nagtatakang mukha.

"hyung naman. masyado mong tinatakot si yunseong!" sabi ko naman sakanya.

"oh bakit totoo naman ah? ngayon lang yan nagpakilala ng boyfriend sakin kasi tinago yung relasyon nila ni jungmo noon, kaya mas boto ako sayo ngayon ah!" sabi ni seungwoo hyung kay yunseong at ginulo ang buhok nito sabay tayo at binuksan ang donuts na dala siya.

puta eh free trial nga lang 'to hyung naman huhu

"oh kain kayo!" pagalok samin ni hyung ng donuts kaya kumuha agad ako pati si yunseong. kumain naman agad ako kasi gutom talaga ako!

"so kelan kasal?"

nabulunan naman ako sa tanong ni seungwoo hyung at hinampas hampas ang dibdib ko. putangina! nagmadaling kumuha ng tubig si yunseong at pinainom sakin. ininom ko naman agad 'to at tumingin kay seungwoo hyung na tawang tawa.

"joke lang 'to naman!" sabi ni seungwoo hyung habang tumatawa. nagkatinginan naman kaming dalawa ni yunseong at napatawa nalang din si yunseong.

"tignan mo tumawa na nga lang din yung boyfriend mo eh." natatawa pading sabi ni seungwoo hyung kaya inirapan ko siya.

jusko po mukhang hindi na namin masasabi 'tong free trial na 'to!

***

grabe nag1k reads na aaaAA THANK YOU SO MUUUUCH!! 💗

soulmates | minhee & yunseongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon