Chapter 4

35 2 0
                                    

Tanghali na pala. Grabe di man lang ako ginising ni Ney. Bwisit na yun. Nagderetso ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush. Malay mo biglang pumunta si Baby Chen dito tapos di pa ko nagtotoothbrush di ba turn off ? Hahaha.

Ayy wait lang.

Napatingin ako sa salamin nung naghihilamos ako. May salamin kasi dito sa may cr. Nagtaka ako kung bakit sobrang mugto ng mata ko.

Naalala ko na. Ang cold na pala sakin ni Baby. Sa tuwing naaalala ko lahat. Yung pagiging matipid nya sumagot at lalong lalo na nung tinawag nya lang ako sa pangalan ko. Shuteng ina. Ang sakit. Tuloy tuloy na naman ang pagtulo ng luha ko. Sabihin nyo ng OA pero masakit talaga. Maiintindihan nyo to pag nagmahal na kayo ng sobra.

"Saaaaaaaaaaaam !"

Ay palaka ! Bwisit na Ney yan. Nageemote pa ko dito sa banyo e.

"Wait matatapos na."

Paglabas ko ng banyo bigla syang natawa sa itsura ko.

"Hahahahahahahahaha taenang itsura yan Sam ! Naging cold lang sayo halos lumuwa na mata mo sa mugto ng mata mo. Grabeeeeee hahahahahahah." Sabay binatukan ko sya.

"Oyy ikaw Ney. Kung wala kang matinong sasabihin lumayas ka dito sa dorm ko."

"Abaaaaaaaa ! nagjojoke lang e. Sorna. Pero malay mo kasi busy lang. Ito naman napaghahalataan na patay na patay kay Chen Chen." at yung pagpronounce nya sa Chen Chen e may pag ka maarte na nagpapacute. Nakakabwisit yung boses e.

"Oo na nga. Yun na lang yung iisipin ko" napabuntong hininga na lang ako. Sana busy nga lang talaga. Iba kasi kutob ko.

--

Grabe nakakastress na pala pag 3rd year na. Sobrang daming inaasikaso gusto ko ng maiyak sa sobrang hirap.

"Nakauwi ka na pala. Dito na daw ako titira sabi ng mga magulang ko. Alam mo ba kung bakit ?"

"Bakit ?" walang gana kong sagot sa kanya.

"Ayy ang taray. Ang tamlay mo ngayon ah. Di nagtext si lakas mo no ? hahahahahah."

"Shut up !" bigla ko na lang nasigawan si Ney.

"Ahmm. Punta muna ako sa kwarto. Sorry Sam."

Haaay naguguilty naman ako kasi nasigawan ko si Ney. Sobrang pagod na din kasi at tama sya... hindi pa din nagtetext yung mahal ko.

Bigla namang nagvibrate yung cp ko at pagtingin ko si Baaaaaabbbbyyyyy nagteeeeext ! Bigla naman akong nabuhayan. Emerged. Kinikilig ako. Ok ang landi na. hahaha. Binuksan ko yung message nya at nung nabasa ko nagulat ako at pinagdasal kong sana di totoo to.

From: Baby Chen <3

Hi Sam. Sorry pero itigil na natin tong relasyon natin. Ang daming nagsasabi sakin na mag aral na lang daw muna tayong pareho. Ayokong dumating yung araw na wala na talaga akong time sayo kasi sobrang busy na ko in the near future. Siguro hindi pa para satin ang oras na to. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. Sana tayo na talaga ang para sa isa't isa. May mga bagay rin tayong kelangan pang malaman sa isat isa kaya siguro mabuti pa kung maging magkaibigan na muna tayo. Wag mo kong kakalimutan kasi hinding hindi ko gagawin yun sayo. Sorry. Iloveyousomuch."

After kong mabasa yung text nya hindi na talaga tumigil yung luha ko. Nabato ko pa yung cellphone kaya biglang lumabas si Ney galing kwarto nya.

"Sam ! bakit ? Anong nangyayari sayo ?"

Hindi ko sya sinagot kaya kinuha nya yung cellphone ko at binasa yung text ni Baby. Ang sakit isipin na di ko na sya matatawag na baby.

"Walang hiya pala tong boyf-- este ex mo ! Anong aral muna ? Ikaw nga napagsasabay mo tapos sya ? Kahit konting oras lang naman ok na sayo yun di ba ? Ska bat sa text nakipagbreak ? Bakit hindi sa personal ? Bakla ata to e !"

Hindi ako makasagot. Ang alam ko lang ngayon ay umiyak. Hindi ko na alam yung gagawin. Parang may malaking parte sa katawan ko ang nawala. Ang sakit sakit. Yun lang ang naiisip ko. Biglang nagflashback lahat ng memories namin. Lalo na nung anniv namin. May kulang pa ba ? Hindi nya na ba ko mahal ? May iba na ba sya ? May kasalanan ba ko ? Baka maayos pa to. Anong gagawin ko ?

"Sige Sam. Iiyak mo lang. Di sya deserving sayo. Akala ko matino. Di pala."

Alam kong may dahilan sya kung bakit sya nakipagbreak. Alam kong di lang dahil to sa pagaaral at sa oras. Pero kahit ano pa man yun. Sobra nya kong sinaktan ngayon.

Magrereply ako sa kanya. Kung gusto nya makipagbreak ayoko sa text. Kahit masakit. Kakayanin kong makipagbreak sya sa personal. gusto kong malaman kung bakit.

To : Baby Chen <3

Kung gusto mo makipagbreak, sa personal ang gusto ko. sabihin mo lahat lahat ng problema sakin at kung bakit ka nakipagbreak. Text mo ko kung kelan. Gusto ko ng proper closure.

Pagkatapos nun ay medyo tumigil na ko sa pagiyak. Pero yung bigat sa dibdib ko di pa din mawala wala.

Ilang oras akong naghintay ng reply pero wala pa din akong narereceive.

"Sam kumain ka na please ?" nakikita ko na nagaaalala sakin si Ney. Di ko naman mapakita na wala lang sakin to, na ok lang ako. Hindi ko kaya.

"Bukas na lang Ney. Sige matutulog na ko." sabay pasok ko sa kwarto ko at nilock yung pinto. Katok ng katok si Ney pero di ko binubuksan. Gusto ko mapagisa.

Iyak na lang. Wala na. Wala na sya sakin. Wala na yung baby ko sakin. Wala na yung sweet efforts and sweet messages. Wala na yung lalaking tinatawag kong akin. Napagod na kaya sya? Ang sakit naman e. Ang sakit sakit.

Walang FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon