"Babyyyyyyyy !"
"Bakit ?" Bakit ang tamlay ni Chen :/
"Samahan mo ko please ?"
"San ?"
"Sa Mall. May bibilhin ako baby." Sabay yakap ko sa kanya.
"Magpasama ka na lang kay Ney may gagawin pa ko."
"Sige na pleaaaaaseeeee ?" Sabay pout ko sa kanya. Di nya ko hinihindian sa tuwing ginagawa ko to. Hahaaha.
"Wag ka ngang makulit Sam. Text na lang kita mamaya. May gagawin pa ko."
Sabay umalis sya. Bakit ganun ? Tinawag nya lang ako sa pangalan ko pero gusto ko na umiyak. Di ba baby tawagan namin ? Pakshet naman oh. Ano bang ginawa ko ? Masaya naman kami nung isang araw, nagcelebrate pa nga kami ng 3rd anniv namin nun tapos nagsurprise pa sya.
Naiiyak ako pero parang ayoko. Napapansin ko na naging cold sya sakin kinabukasan nung anniv namin.
Dinial ko agad ang number ni Ney. Kaibigan ko sya pero bestfriend na din ang turingan namin at close din ang mga parents namin.
(Bat ka napatawag ?)
"Pasama naman sa do-rm" syeeet nagcrack pa boses ko. Gusto ng tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko lang.
(Nasan ka na ba ?)
"Andito na malapit sa dorm." Mabilis lang ako nakauwi kasi malapit lang ang school ko sa dorm ko. Kaya palagi naming nilalakad ni Chen tong dorm ko. Tae, naiiyak na talaga ako.
(5 mins.) at na-end na ang call.
Pumasok na ko sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko sa dorm umiyak na ko ng umiyak. Wala akong pake kahit sabihin nyong OA. Ang sakit kasi. Ang cold nya na sakin simula kahapon. Di nya na ko tinatawag na baby. Ano bang ginawa ko ? Bwisit naman oh.
"SAAAAAAAAAAAAAM !"
Binuksan ko yung pinto at niyakap agad ako ni Ney.
"Ok ka lang ba Sam ? Ano ba kasi nangyari ? Parang nung isang araw tumawag ka lang sakin na ang saya saya mo tapos ngayon umiiyak ka."
"Ang cold cold nya na sakin. Sa tuwing itetext ko sya sobrang ikli ng mga reply nya tapos kanina Sam lang tawag nya sakin."
"Ano ka ba Sam ! Malay mo busy lang."
"Ganun ba sya kabusy na kahit tawagan namin di nya masabi ?"
"Maayos din yan Sam. Baka may problema lang yun sa org nila. Tahan na."
--
"Saaaaaam ! Kumain ka na ng dinner."
"Maya na lang. Mauna ka na ska bakit di ka pa nauwi ?"
"Dito na ko pinapatulog nila mommy ee."
"Ah sige."
"Kumain ka na. 10 na kaya."
"Busog pa ko."
"Sus. Di pa nagtetext no."
Oo. Di pa nagtetext si Chen. Bakit ba sya ganyan ? Di ko sya maintindihan. Sinusubukan kong isipin kung ano ba ang nagawa kong mali sa kanya pero wala talaga ee.
"Kumain ka na Sam. Pag ikaw di kumain sasabihin ko sa mommy mo na magkaaway kayo ni Chen."
"Waaaaaag ! Ito na kakain na."
Legal kami both sides ni Chen. Tanggap sya ng parents ko at tanggap din ako ng parents nya. Ok ang lahat sa amin.
"Sam naman. Di mo naman ginagalaw yang pagkain mo ee."
"Di ko talaga maisip kung anong nagawa ko."
"Baka nga busy lang. Bigyan mo muna sya ng oras ok ?"
"Siguro nga busy lang. Haaaaay."
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER
Fanfiction"FOREVER ? Isang malaking kalokohan." Bitter na kung bitter pero ganyan ang palaging sinasabi ni Sam kapag nakakarinig sya ng salitang forever. Bakit nga ba sya bitter sa salitang yan ?