Courtney/Ney's POV
"Sam?" Kanina pa ko katok ng katok dito pero hindi pa din binubuksan yung pinto. Malalate na yung bruhang yun e. Pano kung naglaslas na yun o kaya naman e nagbigti ? JUICE COLORED WALA SANANG MASAMANG MANGYARI SA KANYA. TAE ANONG GAGAWIN KOOOOOO ?!!!
"ARAY!" Kakapanic ko di ko namalayan na binuksan na pala ni Sam yung pinto. Tumama tuloy yung mala dyosa kong mukha sa pinto.
"Ano bang ginagawa mo dyan ah ? Tumabu ka nga dyan papasok na ko."
Grabe sobrang cold ng pagkakasabi nya nun tapos nakapoker face pa. Sobrang sungit ng aura nya tapos yung mata nya halatang walang tulog at mugtong mugto pa.
"Hindi ka pa kumakain. Kain muna tayo tapos sabay na din tayo pasok."
"Busog ako. Ge bye na." Sabay sarado nya ng pinto.
Haaay. Grabe pala to mabroken hearted. Pag nakita ko talaga yang Chen na yan sasapakin ko yan. Hindi lang pala sasapakin ibibitin ko patiwarik sa tulay ng pasig river hanggang masuka nya na yung bituka nyang bwisit sya. Ok stop na. Grabe na yung iniisip ko. Mga kapwa ko bestfriend wag nyo gagawin yun ah ? joke lang yun. Sayang din yung bagong linis kong mga kuko kung mababahiran ko ng dugo ng walang kwentang lalaking yun.
-
Sam's POVNaglalakad ako papuntang school pero feeling ko lumulutang ako. Hindi ako nakatulog buong gabi. Iniisip ko kung ano bang kulang. Panget ba ko ? Sawa na ba sya ? Sobrang sakit. Gusto kong itanong to lahat sa kanya pero wala akong lakas ng loob. Gusto kong ipakita na malakas ako. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Naiisip ko lahat ng magagandang memories namin. Kung alam kong last na pala namin nung 3rd anniv namin e di sana nilubos lubos ko na. Pinakita at pinaramdam ko sana sa kanya na mahal na mahal ko sya. Pero huli na...
"Hello Sam !"
"Hi Sam. Ok ka lang ba ?"
"Saaaam nagawa mo yung homework natin ?"
Lahat ng kaklase ko di ko pinansin. Di ko alam kung bakit pero feeling ko wala akong lakas para magsalita. Gusto ko munang mapagisa.
Umupo ako sa pinakadulong upuan. Kung dati dun ako umuupo sa unahan, ngayon hindi na. Ayokong may makapansin kung gaano ako kamiserable ngayon. Kung pwede lang umuwi at magmukmok na lang sa kwarto ay ginawa ko na pero hindi pwede. Ayoko naman na pabayaan ang pag aaral ko. Ayoko isipin ng mga magulang ko na masama pala ang duloy ni Chen sakin. Pano kung bumalik sakin si Chen tapos sinabi ko na sa mga magulang ko na wala na kami ? Ayokong ipahiya si Chen sa mga magulang ko. Baka nanghihingi lang sya ng space o kaya naguguluhan lang. Na-stress lang siguro sya kahapon kaya ganun.
Naniniwala ako...
Babalik pa sya.
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER
Fanfic"FOREVER ? Isang malaking kalokohan." Bitter na kung bitter pero ganyan ang palaging sinasabi ni Sam kapag nakakarinig sya ng salitang forever. Bakit nga ba sya bitter sa salitang yan ?