Prologue

144 5 0
                                    

Naranasan nyo na ba yung feeling na habang nasa jeep, bus, fx, lrt or kahit saang pampublikong sasakyan ka tapos may mag-boyfriend and girlfriend na ang sweet-sweet? Yun bang sa action pa lang nila alam mong mahal na mahal nila ang isa't-isa.  

Sa mga single, hindi ba kayo naiingiit? Hindi ba kayo nagpapatansya na sana katulad nyo rin sila? Hindi ba kayo napapa-isip kung bakit hanggang ngayon single pa rin kayo? Maayos naman kayo, okay naman kayo makisama pero bakit hanggang ngayon wala pa ring umaaligid?

Nakakapang-emo pa kapag nasa bus kayo o fx/van tapos biglang umulan. Syempre kapag ganung panahon magiging ma-drama ka na lang. Kapag nasa kwarto ka rin, mapapaisip ka na lang din.

Minsan naman kapag nasa papumbliko kang sasakyan at may nakita kang lalake na panay tumi-tingin sayo bigla mo na lang napapaisip na may gusto sya sayo at bigla ka na lang nag-papacute. At kapag nag-para na sya bigla mo na lang syang titingnan hanggang sa mawala na sya sa paningin mo.

Nakaka-bitter kapag yung mga kaibigan mo may mga boyfriend na pero ikaw hanggang ngayon wala pa rin. Nakakapnag-insulto,ano? Para ka tuloy chaperon.

Nakakatawa pa nga, kung sino ang magaling mag-advice sa love ayun pa yung single at walang experience.

Parehas pala tayo kung ganun. 

I'm Anja Allysa Buenaventura. 18 years old and still NBSB at hanggang ngayon kahit isang katiting wala akong experience sa love-love na yan. Kahit M.U wala! 

Cute naman DAW ako, parating nakangiti at masayang kasama. Wala rin akong nababalita na may galit sa akin. Madali daw ako pakisamahan at simple daw ako.

Pero bakit ganun, hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend? Wala pa ring nagpaparamdam sa akin? At worst wala pang nanliligaw sa akin!

Patay na ba si kupido o wala ba talaga syang balak na panain ako sa iba? 

Nakaka-inis kapag tinatanong ka ng iba kung nagka-boyfriend ka na ba, may nanligaw na/ba sayo, o kung bakit hanggang ngayon single ka pa rin? Ang sasarap nilang tadyakan, sipain, ingudngod, wrestlingin, ipasagasa sa bus o tren. 

Aba malay ko kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nararansan yan. Kung si kupido nga hindi alam ang sagot sarili ko pa kaya?

Sabi nila wag daw ako maghanap kasi mas maganda daw kapag unexpected yung love mo. Malay daw hinahanap nya rin ako. 

Nakakainis naman. Saan ba kasing waiting shed sya naghihintay ha? Bigyan naman kasi ako ng sign, nagiging tanga na ako dito eh. Kahit sign man lang.

Wala bang mahanap si kupido kaya hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend? Wala bang lalakeng nababagay sa akin? 

Kaurat naman. Hindi naman ata ako tatandang dalaga nito, ano?

Kung si kupido hindi gagawa ng paraan para magkaroon ako ng lovelife, pwes ako, si Anja Alyssa Buenaventura will search for my love.  

Searching For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon