Eight: Weird

11 0 0
                                    

Anja's POV


Nahihirapan akong tumayo. Ni hindi ako makagalaw sa kama ko. Nanghihina ako. Para akong masusuka. Nahihilo ako. Sinisipon at inuubo rin ako. Mainit ako. Confirmed. May sakit ako. May lagnat ako.


Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta dito sa kwarto. Basta ang huli kong naalala ay narinig ko ang pangalan ko at unti-unti kong inaangat ang ulo ko yung mata ko rin dahan-dahan na binubuksan. Pero maliban doon ay wala na ako matandaan.


Alam ko naman ang dahilan kung bakit ako nagkalagnat. Sobrang lamig kasi kagabi at sobrang gutom ako.


Chineck ko ang katawan ko. Ganun pa rin naman ang suot ko. Wala naman nagbago ibig sabihin safe pa ako. Virgin pa ako. Yesh!


Maya-maya may kumatok sa pinto. Magsasalita sana ako kaso ang sakit ng lalamunan ko at wala ring boses na lumalabas. Confirmed. Namamalat ako may soar throat din ako.


Niluwa ng pinto sila Renz, Yves, yung may hawak parati ng sketch pad at yung parating gutom.


"Gising ka na pala." Sabi ni Yves na may hawak-hawak ng tuta. Yiee. Ang cute. Kakargahin ko sana kung di lang ako may sakit.

"You look sick. Are you okay?" Tanong ni Renz na may dala-dalang pagkain.


Nagkibit-balikat ako hindi ko rin kasi alam kung okay ba ako. Nagsign ako sa kanila na hindi ako makakapagsalita. Tumango naman sila.


"*Don't worry pahihiramin na lang kita ng sketch pad at pentel ko. Haha." Natuwa naman ako sa kanya. Nagpasalamat ako sa kanya kahit na walang boses.

"You look really sick. Have some brunch first." Sabi ni Renz habang nilalagay sa side table ang pagkain. Tumingin ako sa wall clock at mag-12 na pala.

"Chowder soup, fruits, milk and water for you. Uminom ka rin ng gamot kapag tapos ka na kumain." Sabi nung pg sabay subo ng fries. Nagpasalamat ulit ako sa kanila kahit na walang boses.


Inabot sa akin ni Renz ang chowder soup. Buti na nga lang at tinulungan nila akong umupo. Sobrang nanghihina kasi ako.


"Kaya mo ba?" Nag-alalang tanong ni Yves. Hay nako. Kinikilig naman ako dito. Masyado silang caring. Baka mafall ako.


Ngumiti ako at tumango. Kahit na alam kong hindi ko alam kung kaya ko mas mabuti ng ganito.


"Nako. Hindi sya nakakapagsalita at hirap tumayo. Paano yan ngayon?" Tanong nung pg sabay subo ulit ng fries.

"Oo nga no. Lagyan kaya natin ng bell?" Tanong ni Yves.

"Nope. Not gonna do it. Why not just call me? Alam mo naman number ko diba?" Suggestion ni Renz.


Nagsign ako dun sa may hawak-hawak na sketchpad na kung pwede hiramin ang sketchpad nya. Mabuti na lang at mabait sya at pinahiram nya ito.


Note to self: kailangan ko na malaman mga names nila. Mas nalilito ako kapag yung actions yung natatandaan ko sa kanila.


Searching For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon