Five: The boys and I

21 1 0
                                    

Anja's POV

Alam nyo yung moment na gusto nyong manghila ng isang tao? Kaladkarin o di kaya itulak na lang basta-basta?

Ito yun! Ito yung moment na to!

Eh kasi naman hanggang ngayon nasa harapan pa rin kami ng bahay (na kung saan nga ay pinalayas ako) at kanina pa kami dito naghihintay. Paulit-ulit ko na ngang sinasabi kay Renz na umalis na kami dito pero wa epek pa rin. Sinasabi nya lang parati na 'I got this.'

Lecheng I got this na yan. Kapag parehas kaming napahamak, nako matu-turn off talaga ako sa kanya.

"Umalis na kaya tayo dito?" For the nth time sinabi ko na naman yan sa kanya.

Nginitian nya lang ako na para bang sinasabi na wala dapat akong ikabahala. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang likod sa ngiti nya o sadyang feelingera lang ako? Hindi naman ata.

Pero isa lang ang masasabi ko sa pag-ngiti nya. Gwapooo! Isa syang living proof ni Adonis. Ngiti pa lang nya pamatay na.

Napatingin ako sa tyan nya. May abs kaya sya? Sa bagay nung nahawakan ko ang braso nya may nakapa akong biceps. So may chance na meron nga sya.

Kung meron ilan kaya? 6? 8? Shocks! Naiimagine ko pa lang na may abs sya sobrang hot na nya. Enebe.

Napa-angat naman ako at laking gulat ko ng nakatingin sya sa akin.

Shocks! Kanina pa ba sya nakatingin? Ibig sabihin nakita nya na minumulestya ko sya sa isipan ko ay este ino-observe sa isipan ko?

Ngumiti ako sa kanya ng nakakahiya at napa-hehe. Ngumiti rin naman sya pabalik at tumingin ulit ng derecho. Hindi naman ata nya napansin.

Aksidente na nahulog ko yung panyo ko. Kinuha ko naman ito at narinig ko na may bumukas ng pinto. Pag-angat ko automatic na lumaki ang mata ko.

"WHOOOOOOAAAAaaaaa???!!!" Sabay-sabay nilang sabi. Actually nung makita nila ako tsaka sila tumigil sa kakasigaw at sa ginagawa nila. Lahat sila nakatingin sa amin, well parang sa akin.

Halos lahat ata kami napanga-nga at napa-statwa sa pangyayari.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang nakikita ko ngayon. Totoo ba ang nakikita ko? Totoo ba tong nasa harapan ko?

Totoo ba na nakakita ako ngayon na mga lalake na ang suot lang ay boxer? Walang pang-taas o pants. Only boxer. Uulitin ko ulit, boxer lang ang suot!!!

BOXER!

Napa-lunok ako ng laway at hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa kanila na gulat.

"Ehem." Rinig kong sabi ni Renz.

Automatic naman na halos kami ay nagising at kaagad namang sinara nila ang pinto. Rinig ko ang ingay nila sa loob at ang kalampag nila.

Searching For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon