Anja' s POV
Bwiset na mga tao yun! Hindi man lang ba nila alam ang word na gentleman? Grabe talaga!
Ang isa pa akala nila nagsisinungaling ako? Bwiset! Bakit naman ako magsisinungaling ha? Anong mapapala ko dun?! Aba wala!
Kung may pera lang sana talaga ako at kung naka-roaming lang talaga ang phone ko hindi ako mas mabibsiwit ngayon.
Naiinis lang ako lalo kapag naalala ko yung sitwasyon ko kanina. Kung makatulak sa akin wagas. Hindi talaga sila gentleman! Mga bwisit! Mga bastos! Mga leche! Mga--- ewan. Basta!
Umihip na naman ang hangin at napayakap na lang ako sa sarili ko ulit. Kahit may jacket na ako nilalamig pa rin ako.
Sa kasamaang palad nasa isang park ako at nakaupo sa isa sa mga benches dito. Kanina pa ako dito at kanina pa rin ako nilalamig.
Papaano to? Papaano na? Ano ng gagawin ko? Wala akong sapat na pera.
Ano ba tooo! Gusto ko na tuloy umuwi! Huhubels!
Tumayo ako at ginulo-gulo ang buhok. Nagtatalon at nagpapadyak ako. Mukha na akong baliw. Okay lang hindi naman nila ako kilala. At tsaka tama lang to dahil na fufrustrate na ako ng sobra.
"Pumunta ako ng Japan para mag-aral, para makatulong sa pamilya ko, para maging succsessful ang buhay ko at lalong-lalo na para makahanap ng magiging boyfriend! Pero bakit ganito ang nangyari? Bakit umiba ang tadhana ko?!" Sumusuntok ako sa ere at sumisigaw.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gutom na rin ako!
"Miss, daijobu desu ka?" || Are you okay? || Napahinto ako sa pag-aalburoto ng marinig iyon. Kaagad akong huminto at napatingin sa nagsalita.
Bigla na lang nag-summer sault ang puso ko at bumilis ang tibok ng puso.
Ke gwapong lalaki naman itu!
Inayos ko kaagad ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay at pinagpagan naman ang aking damit.
"Daijobu desu." || I'm okay || Ngiti ko sa lalaki.
Ang gwapo nya sobra. Matangkad, maputi, chinito. Shemay! Ideal type ko! Ito na ba yung susi sa problema ko? Ito na ba ang magiging future boyfriend ko?
"Hontou desu ka?" || Are you sure? || Tanong nya sa akin habang papalapit.
Masama bang sabihin na kinikilig ako? Masama ba? Kung oo pabayaan nyo na. Kinikilig kasi talaga ako.
"Hai! Daijobu desu." || Yes || Tango ko at ngiting tagumpay ko sa kanya.
Feel ko mababali na ang ngipin ko sa kakangiti ng sobra. Buti na lamang at hindi ako nautal kasi mamaya mag-feeling sya na gusto ko sya kahit na ang totoo ay nagagwapuhan lang ako sa kanya. Syempre iba pa rin yun.
BINABASA MO ANG
Searching For Love (On-going)
FanfictionCute naman DAW ako, parating nakangiti at masayang kasama. Wala rin akong nababalita na may galit sa akin. Madali daw ako pakisamahan at simple daw ako pero bakit ganun, hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend? Wala pa ring nagpaparamdam sa akin...