Chapter 1: Finding Job

12 0 0
                                    

"Oyyy ate gising na daw malilate ka nanaman nyan! "

Inis na sabi ng kapatid ko habang inuuyog ako

"Oo na nga ih ito na"

Kamot ulo akong tumayo at nag hilamos

Halos limang minuto akong nakatitig sa plato sa harapan ko
Bat ba ganito ang umaga ngayon nakakatamad pumasok pero para sa pamilya kaya

Nag simula na akong kumain

Pag katapos ko kumain ay namalantsa na ako ng damit na susuotin naming mag kapatid ganito lang gawain ko tuwing umaga kakain mamamalantsa maliligo kaya ang kamay ko pasmado na bata bata ko pa

"Ate bilisan mo naman maligo! "

Sigaw ng kapatid ko sa labas ng banyo di ko namalayan na nakatitig lang ako sa tubig ng ilang minuto

Matapos ang kalahating oras natapos narin ako sa pag ligo nauna na yung kapatid ko pumasok ako nalang naiwan dito 7:30 am na at late nanaman ako dahil 7:40 ang pasok ko

Nag aabang na ako ng tricycle di na kasi ako hinahatid ni papa marami kasi syang ginagawa

8:00 am na ng makapasok ako sa school

"Lagi ka nalang ba late Iya?  Agahan mo naman pumasok"

Sabi ng kaibigan kong si chyna

"Anong pinapagawa ni ma'am? "

Walang ganang tanong ko sakanya pinakita nya naman sakin ang isang buong yellow pad na may sulat

Dahil nga late na ako pinaspasan ko na ang pag susulat para makahabol

'San kaya ako makakahanap ng trabaho?'

Yan lang ang tumatakbo sa isip ko buong araw

"Ms. Iya?  Sobrang lalim naman ng iniisip mo? "

Napabalik nalang ako sa realidad ng mag salita ang guro namin sa harapan

Halos mapairap ako sa sobrang inis lagi kasi akong pinag iinitan ng guro nayan

"Late ka na nga palagi sa lahat ng subject mo di ka pa makikinig"

Mataray nyang sabi sakin sabay balik sa pag tuturo

Ito rin ang dahilan kung bakit ayoko kumuha ng scholar hindi naman kasi ako masipag may utak ako pero tamad ako mag sulat at mag review

"Ano bang problema mo? "

Tanong ng kaibigan kong bakla na si jud

"Kailangan ko ng trabaho bakla"

Seryoso kong sabi sakanya

"Kung pwede lang maging dancer nalang para may extra income ginawa ko na"

Nakakunot noong pahayag ko sakanya

"Tutulungan kita mag hanap"

Halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig ko ang sinabi nya

Laundry Woman of the Arrogant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon