NANG matapos ang selebrasyon ay naghiwa-hiwalay na rin sila. Nahuli sa paglabas si Julianne sapagkat hindi siya agad nakalayo sa mga ina nina Xanderr na hindi yata matatapos ang pagpapasalamat sa kanya dahil nasiyahan ang mga ito sa ginawa niyang gown para dito.
Nagmamadali na ang hakbang niya nang lumabas siya ng ballroom. Gusto na niyang makauwi agad sapagkat naiisip niya ang iniwan niyang trabaho sa shop. Balak niyang magpahinga agad pag-uwi niya upang paggising niya kinabukasan ay recharged na siya uli para magtrabaho.
Habang naglalakad ay binuksan niya ang bag at hinanap doon ang susi ng kanyang kotse.
"Ay!!!" bulalas niya nang muntik nang ma-off balance sa lakas ng pagbangga niya sa isang tao.
"Sorry, miss," mabilis na sabi ng lalaki at inalalayan pa siya. "Are you all right?"
"Ha?" aniyang hindi alam kung ano ang isusunod na isasagot.
Naagaw ng kahali-halinang anyo ng lalaki ang buong atensyon ni Julianne. Hindi niya alam kung saan ipapako ang tingin. Sa ekpresibong mga mata nito o sa matangos na ilong o sa maninipis na mga labi. He was clean-shaven. Makinis na makinis ang panga at baba nito na tila balat ng isang sanggol. Bigla ay naramdaman niya ang pagnanais na haplusin ang mukhang iyon.
And she was somewhat mesmerized. Suwabe ang bangong nanunot sa kanyang ilong habang isang dangkal lang halos ang pagitan nila sa isa't isa.
"Miss?" untag sa kanya ng lalaki. "Are you all right?"
"I-I'm okay." Ngayon lamang siya tila biglang nagising. Inayos niya ang kanyang pagtayo at dumistansya dito. Wala siyang balak na ipamalay dito na naapektuhan siya ng kanilang pagkakalapit.
"Nagmamadali kasi ako, eh," paliwanag nito. "Blind corner pa naman ito. Pasensya ka na."
"M-may kasalanan din ako. Nakayuko kasi ako, eh."
Ngumiti lang ang lalaki. "By the way, I'm Timothy Pozzorubio. Call me Tim." At inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Julianne de Luna," aniyang pinagtakhan pa ang sarili na ganoon lamang siya kadaling nakipagkilala.
Nakipagkamay siya dito. Sandali lamang iyong nagdaop at binawi din niya agad. His hand was firm and steady. Maging ang pagpisil na ginawa nito ay natural lamang subalit may palagay siyang dapat niyang iwasan ang anumang physical contact mula dito. Dama niyang malakas ang taglay na magneto ng lalaking kaharap niya. At hindi niya gusto ang nararamdaman niya para dito gayong estranghero pa rin ito sa kanya.
"Julianne de Luna," ulit nito na parang nilalaro sa dila ang bawat pantig ng pangalan niya. "Your name is familiar."
Nangunot ang kanyang noo sa pagtataka.
Minsan pa ay ngumiti ang lalaki. "Naalala ko na. Designer ka, right?"
Napatango siya. "How did you know?"
"Sa publication ako ng fashion at lifestyle magazine." At sinabi nito ang isa kumpanya ng magazine na may pinakamalawak ang sirkulasyon sa bansa. "Nababasa ko ang pangalan mo. Maganda ang komento ng mga fashionista sa design mo."
"Salamat," mababa ang tinig na wika niya.
"Pero hindi ko alam na mas maganda pala ang may-ari ng mga disenyong iyon," papuri pa nito.
Pakiramdam niya ay pamumulahan siya ng mukha. Sanay siyang makatanggap ng papuri sa mga trabaho niya subalit hindi papuri direkta sa kanya.
"May I call you Julianne?"
Tumango siya.
"Julianne," he said. "Kung hindi ka nagmamadali, iimbitahan kitang magkape muna. Iyan naman ang talagang pakay ko nang bumamaba ako nitong hotel. Balak kong magkape. At mas masarap magkape kung may kasama. I'm glad I met you."
Hindi niya alam kung paano siya pumayag. Basta ang alam niya, sa halip na tunguhin niya ang parking lot ng hotel upang umuwi na ay ang coffee shop ng hotel ang tinungo ng mga hakbang niya.
****
WALA SIYANG alam sa publication. Basta ang alam lang niya, kapag nalalagay sa society section ng magazine o ng broadsheet ang gown na ginawa niya, iyon ay dahil sa kagustuhan ng mismong nagsuot o kaya naman ay dahil sa koneksyon ni Eve. Anuman ang dahilan, pabor iyon sa kanya. Nagkakaroon siya ng dagdag na kliyente dahil doon. Ang iba, nagugustuhan ang nauna niyang gawa at nagpapadisenyo sa kanya.
"Actually, ngayon pa lang ako tututok sa operation ng magazine. Partner lang ako dati ng kaibigan ko. Sa US ako nakabase. Pinapadalhan lang niya ako ng bawat kopya ng magazine para makita ko ang resulta ng investment ko dito. Then naisip ko, umuwi muna dito para maranasan ko ring makita ang everyday operation."
Isinilbi sa kanila ang kanilang kape. Espresso kay Tim at iced coffee naman para sa kanya.
"Kadarating ko lang. May jet lag pa nga ako. Ilang araw kong balak na dito muna mag-stay then I'll find a place na titirhan ko. Wala na rin akong kamag-anak dito para dalawin o tuluyang pansamantala. And besides, gusto ko talaga ay sarili ko ang tirahan. Any suggestion?"
"Ha?" aniyang bahagyang nagulat. Nasa posisyon ba siya upang magbigay ng suhestyon?
"May mga condo na sinasabi sa akin ang business partner ko. I'm considering them pero hindi naman ako nagmamadaling makalipat agad. Gusto ko kasi, iyong akma talaga sa gusto ko ang lugar. I won't mind staying it this hotel while I'm still looking."
"Ang laki ng gastos sa hotel," kaswal na komento niya.
"Okay lang. Kumportable naman ako dito."
"May I ask something, Tim?" sabi niya nang hindi na mapakali sa kuryusidad na kanina pa naglalaro sa likod ng utak niya.
"Sure. What's that?"
"Are you married?"
Ni hindi niya nakitaan ng pagkagulat ang lalaki. "Do I look like I'm already married?"
Ikinibit niya ang balikat. "I don't know."
"I'm very much single," sabi nito. At kung itatanong mo kung ilang taon na ako, I'm thirty-seven. Nasa edad na nga para mag-asawa pero iyan ay isang bagay na hindi ko hinahanap. Naniniwala akong darating sa akin iyan pag talagang oras na."
Napatango lang siya.
"How about you? Still single?"
"Yeah."
"Committed?"
Umiling siya.
"That's good news for me," pabulong na sabi nito pero tila sinadya ding umabot sa pandinig niya.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Feel free to vote and comment; and share the link, too.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
BINABASA MO ANG
Wedding Girls Series 12 - JULIANNE - The Bridal Gown Designer
Romance"I've never been happier in my life, honey. I've never been this in love before. I'm so glad you came into my life." *** Hindi inaasahan ni Julianne na sa kanya ipapamana ni Mildred Sunico ang lahat ng kayamanan nito sapagkat hindi naman siya kadug...