I'm helping Nanay Annie to serve her very own delicious lugaw to her mini Calenderia.
" Lola Ida! Kwentuhan nyo naman po kami ulit tungkol sa mga Elementalist! " masayang sabi ng isang batang naka pormal na suot, probably isa sya sa mga anak ng mayaman.
" Oo nga po! " pagsang-ayun pa ng iba.
" O-oh s-sige pero bilhan nyo ko muna ng tinda kong gulay. " sabi ni Lola Ida.
Lola Ida is a very weird woman, sabi ng iba witch daw sya at sabi rin ng iba baliw daw ang matanda. Well palagi nya kasing kwene-kwento ang mga tungkol sa bampira, taong-lobo, mangkukulam at fairies na puro walang katotohanan lang naman daw.
" Oh ayan na po Lola Ida! Binili kona po ang kalahati sa tinda nyong gulay kaya kwentuhan nyo na po kami. " maningning mata na sabi ng batang lalaki.
" Sige kwe-kwentuhan ko kayo pero sa ngayon tungkol naman sa mga taong-lobo. " she said na kina agaw ng pansin ko.
" Wow! Sige po. "
" Ang mga lobo ay isa ring tao, nag a-anyo silang lobo kapag kinakailangan nila, mabibilis rin silang kumilos at napakatalas ng kanilang mga ngipin. Malalakas rin sila at tuwing umaalolong ang mga taong-lobo dalawa lang ang ibig sabihin nito, humihingi ng tulong o umiiyak ito. "
" Ala! Eh Lola diba po magka-away ang taong lobo at bampira? "
" Di naman lahat apo, sa pagkaka-alam ko may alliance ang mga mabubuting bampira, lobo, fairies at ang mga mangkukulam. "
" So may bad pong mga Lobo po? "
" Oo apo may mga masasamang lobo, bampira, elementalist at witches. "
" Ahh ano pong pinagkaiba ng Witches sa Elementalist? ".
" Ang Witches or Wizards ay may mga magical sticks silang ginagamit sa pag cast ng mga spells at ang mga elementalist naman ay walang stick at isip lang ang gamit nila para sa gusto nilang gawin tulad ng pagpapalutang ng tubig. "
" Whaaa nakakamangha naman po. " nagpapalakpakan na sabi ng mga bata.
" Hayst! Nakatambay na naman sa labas ng kalenderya ko si Tiya Ida at kahit ano na naman ang pinagsasabi. " nangngiling-iling na sabi ni Nanay Annie.
" Pabayaan na lang po natin nanay Annie. " nakangiti kong usal at i-senerve ang lugaw.
-
" Hayst natapos rin. " bulong ko ng palabas ng kalenderya ni Nanay Annie.
Mga pasado ala-una ng hapon at ito ako ngayon pa-uwi pa lang sa bahay ng mga posters parents ko. Hayst mamayang gabi pala ay magtitinda ako ng street foods.
Mabuti na lang libre ako ng almusal at tanghalian kila Nanay Annie na kinasaya ko naman.
Habang naglalakad ako pauwi ay nakakasalubong ko ang mga estudyante na naka uniform, most of them wearing an elite school uniform at halatang mayayaman.
Napabuntong hininga na lang ako at tinahak na ang kinakalawang gate ng bahay namin. Pag bukas ko nito ngumitngit ang nakakangilong tunog.
Ang bahay na ito ay malaki para saakin, malinis pa rin sya sa labas dahil inaalagaan ko ito, pagkakapasok ko sa loob tumambad saakin ang sala na kakaunti na lang ang mga gamit kasi naipabili ko ito nung kinakailangan ko nung nag-aaral pa ako.
Napabuntong hininga ulit ako at umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at sumalampak sa kama ko.
Napatingin naman ako sa isang frame picture na kasama ko sina mama at dada. Tumayo ako at kinuha ito, hinaplos-haplos ko ito.
" I miss you mama and dada. " usal ko at nahiga sa kama ko at niyakap ito.
-
" Arf! Arf! Arf! "Nagising na lang ako dahil sa bwesit na aso, teka? Wala naman akong alagang aso ahh?
Lumabas ako ng kwarto at tiningnan ang oras. Hayst! 9:00 p.m. na pala? Di ako nakapagtinda hayst!
Lumabas ako at dumeritso sa kusina, agad akong binuksan ang mini cabinet at tumambad saakin ang tatlong piraso ng slice bread at madali ng maubos na palaman na peanut butter.
Napabuntong hininga na lang ako kinuha ang slice bread at ipinalamanan ng peanut butter. Umupo ako sa upuan dito sa kusina ng napadako ang mata ko sa ref na di ko naman ginagamit na, lumapit ako dito at tiningnan ang nakadikit.
Hayst! Bayaran na pala sa susunod na araw ng kuryente? Wala pa akong pera eh.
" Tulong! "
Luh sino yun?
Sumilip ako sa bintana sa likuran ng bahay namin kung saan kagubatan ang makikita.
" Tulong! "
" Arf! Arf! Arf! "
Lakas loob akong lumabas ng bahay at kinuha ang flashlight, may dala rin akong patalim and lastly sinuot ko ang necklace kong may lilang bato.
Ilang metro na ang layo ko sa bahay ng mas malapit ko ng naririnig ang boses. Teka? Ba't ko naririnig yun kong ilang metro ang layo sa bahay namin?
Nagulat ako ng makita ko ang babaeng nakahandusay at lasog-lasog ang leeg, nanghina ang tuhod ko at napaupo nabitawan ko yung flashlight.
" S-sinong gumawa n-nyan? " tanong ko sakanya.
" T-tulong.. " nahihirapan nyang sabi. Nagulat ako ng biglang may tumalon na babae mula sa isang puno at tumakbo ito saakin.
Napaatras ako, teka pamilyar sya saakin.. Si Freya anak ni Nanay Annie yan eh.
" F-Freya.. I-ikaw ba ang pumatay sa--- "
" I'm not. " ani nya at hinawakan ang wrist ko.
" Let's go Elle they will kill us! Run! " sabi nya at tumakbo, tumakbo rin ako habang hawak-hawak nya ang wrist ko.
" S-sinong sila?! " manginig-nginig kong tanong habang tumatakbo kami sa kung saan sa gubat.
" Basta tumakbo lang tayo! " sabi nya na ginawa ko rin pero agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang naglalakihang aso.
Mas binilisan pa namin ang pagtakbo hanggang napahinto kami at napatingin sa harapan.
A huge of wolf was standing in front of us. Naglalaway rin sya.
" What the heck! Ano ba ang mga yan?! " nagpapanic kong tanong, bale napapalibutan na kami nila.
" They are werewolves. " sagot nya at seryusong tinintingan ang mga naglalaway na mga lobo.
" Huh?! "
" Let's run again! " sabi nya at hinigit ulit ako patakbo hanggang nadulas kami sa medyo di kataasahang bangin.
" Whaaaaa! " imipit na sigaw ko habang nagpagulong-gulong ako.
Hanggang sa napatama ang ulo ko sa isang bato at nakapasok ako sa isang kumpulan ng mga ugat, nanlalabo na ang paningin ko pero naaninag kong nasa isang bahagi si Freya. Linapitan sya ng isang lobo hanggang sa may naaninag akong tao hanggang nawalan ako ng ulirat.
...
Ang kwentong ito ay orihinal na nanggaling saaking malawak na emahinasyon at pag-iisip. Mga karakter, pangalan ng lugar, mga bagay o pang yayari ay katang-isip lamang pero kung meron man ang may kinalaman sa realidad at may pagakakahawig sa ibang kweto ito ay di sinsadya o maaaring nagkataon lamang.
Plagiarism Is A Crime
BINABASA MO ANG
Ellesor's Identity
FantasyWho can say and prove that vampires, werewolves, witches/wizards and fairies/elementalist are really existed in this world? ELLESOR is a pretty girl at age of 10 she lost her memories, a couple saw her lying to a grass full of blood that coated her...