Loving you still

140 8 2
                                    

Chapter 1

Soul, Korea

            "ELENA! I can't believe it! Magiging tatay na ako!" halos mabingi si Elena sa sigaw ng pinsan niyang si Josh habang kumakain sila sa isang restaurant sa Korea na pagmamay-ari nito. Niyaya siya nitong kumain at magkape kasama nito dahil nabobore raw ito sa restaurant. PB Restaurant ang pangalan ng naturang restaurant. Hula niya, suggestion na naman 'yon ni Naitte na siyang fiancée nito. Panda at Bear kasi ang tawagan sa isa't-isa.

 Ilang buwan nalang ay ikakasal na ang mga ito. Sa ngayon, inaasikaso na ng pinsan niya ang lahat kaya ito naririto sa Korea kasama niya. Gusto kasi nito na wala na itong aalahanin pa oras na makabalik na sila uli sa Pilipinas.

            "Pwede bang 'wag kang sumigaw Mr. Jerwin Joshua Lee? Hindi naman ako bingi para sigawan mo pa ako. Tsaka, hindi pa buntis si Naitte 'no! kapal ng mukha mo. Advance ka masyado ah." Umirap siya rito bago siya humigop ng kape.

            Napakamot sa ulo si Josh. "Noona—."

            "Huwag mo akong tawaging Noona. Si Naitte lang ang may karapatang tawagin akong ganyan."

            "Sungit mo naman, Pinsan mo naman ako ah," reklamo nito. Tulad niya ay may lahing Korean din ito. Kapatid ng daddy nito ang mommy niya.

            "Kahit na. Tawagin mo ako sa pangalan ko— Ms. Elena Lee Torres. Ang ganda-ganda ng pangalan ko, hindi mo babanggitin?"

            "A ra so," anito na ang ibig-sabihin ay, okay. "Ms. Elena Lee Torres, paano mo nalaman na hindi pa buntis ang asawa ko?"

             "Natural alam ko, dahil una sa lahat, alam kong hanggat hindi pa kayo naikakasal ay hindi mo siya gagalawin kung hindi ay sa ilalim ka na ng lupa talaga titira. Pangalawa, kapag nabuntis si Naitte, ako ang unang-una niyang pababalitaan. And correction. 'Fiancée' is the right term. Hindi pa kayo kasal, 'wag kang ambisyoso"

            "magiging asawa ko na siya" giit nito.

            "Mga tatlong buwan pa."

Napakamot na naman ito sa ulo. Lihim siyang napangiti. Alam niyang nafu-frustrate na ito sa kanya. Trip na trip talaga niyang inisin ang pinsan niyang 'to. Dati kasi, kumukulo ang dugo niya rito dahil sinaktan nito ang damdamin ng kaibigan niyang si Naitte dahil sa pag-iwan nito rito noon.    

"Bakit ba parang ayaw mo ako para kay Naitte?" tanong nito.

"Because you had hurt her before."

"Mahal ko siya, Elena. Hinding-hindi ko siya sasaktan."

She leaned over the table and looked at him seriously. "Siguraduhin mo lang 'yan Josh. You just hurt her before, at hindi malabong masaktan mo uli siya. Kapag nangyari 'yon, gagawin ko talagang panda ang mukha mo." Pagbabanta niya rito.

Sumeryoso din ang mukha nito. "Kahit magsanib pwersa pa kayo ng mga pinsan ni Naitte, hindi ako natatakot. Elena, noon pa man mahal na mahal ko na siya. Handa ko 'yon patunayan sa lahat. At hindi ko mismo mapapatawad ang sarili ko kung masaktan ko uli siya," nakikita niya sa mga mata nito ang determinasyon at kaseryosohan sa mga sinabi nito. Indeed, he really loves her friend. Ang totoo hindi naman talaga siya kontra rito. Bukod sa buong pinsan niya ito, alam din niya ang katotohanan sa lahat ng mga ginawa nito. 'Yon nga lang, trip niya lang talagang magalit rito.

Pero seryoso din siya sa banta niya rito. She values friendships too much. At ayaw na ayaw niya na may kaibigan siyang nasasaktan.

She smiled at him. "Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo rito, Josh. Para iwas black-eye ka."

Forever in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon