Prologue

52 1 0
                                    

You never disappoint me Agent Mikey. Maaasahan ka talaga.. turan sa akin ni boss ang President ng P.E.A.C.E Agency na si Mr. Edwin Lacsamana.

Ginagawa ko lang ang sa tingin kong tama. At tungkulin kong tapusin at gawin ang gawin ang mga bagay na ibinigay niyo sa akin. Sagot ko naman dito.

Walang duda na nananalaytay sa iyo ang dugo ng isang Mondragon. Dahil tulad ng isang dragon ang bagsik na pinagmulan mong pamilya. Walang tapon sa inyong magkakapatid lahat mahuhusay lalo ka na. Unang tuntong mo palang sa agency you prove me you worth Agent Mikey. Paliwanag pa nito.

Kung tutuusin ay hindi lang ito ang unang beses na napakinggan sa kanya ang pamumuri nito don't get me wrong. Pero rinding rindi na talaga sa matandang ito. Napapairap nalang ako.

Since nasa hustong gulang kana ay may ibibigay akong bagong mission sayo. At iniabot nito sa akin ang isang folder.

Ano naman gagawin ko dito?

Abay di basahin mo ng malaman mo?

Mataman ko namang binasa ito. Dahil dito nakasaad ang bago kong mission.

Seriously? Ninong Why should I? takang tanong ko dito.

At bakit hindi aber? masungit na tanong nito..

Bakit kailangan ko pang pumasok sa school na yun. Bakit ako?..

At sa tingin mo sinong pwede kong ilagay sa mission na yan. Look Mikey ikaw lang ang bata and fit sa case na ito. Alangan naman ibigay ko kay Agent Alex, o isa ibang agent sa tingin mo paano nila mababantayan yang McKenzie na yan. eh bawal ang outsider. Kaya ikaw ang pinili ko dahil bata ka at hindi ka pagkakamalan na agent. Tsaka sa itsura palang ng ibang agent dito mukhang malabong makapasok sa University na yun. Kaya wether you like it or very like it, you should like it. Walang pero pero.. walang ninong ninong.. that's my order Agent Mikey

Napakagat nalang ako sa labi sa sinabi nito. Aist bakit kasi ako pa. Nakakapanawa na mag-aral eh tapos eto papasok ulit para lang mabantayan talaga ang lalaking yun. Tsk

Pack your things and starting tomorrow ay papasok ka na sa Maxwell University. Eto ang ATM card mo galing sa client may allowance kana diyan.

Ang bilis naman Ninong?

Urgent nga diba hindi mo ba nabasa yung nakalagay.. aysus naturingang Suma Cum Laude..

kainis ahh hindi ba pwedeng sa Monday nalang ako magstart. Hello Ninong friday na bukas.. alangan na din..

Wala kang magagawa dahil yun ang gusto ng naghire sayo.

Sige na sige na..

Inabot ko lang ang atm card at nagsaludo dito. Lumabas na ako sa office nito. At kinuha ko lang ang ilan sa mahahalaga kong gamit. Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng gamit at nagpaalam sa aking magulang.

Lahat ng gastos ko sa bagong kong mission ay sagot ni Mr. Wilbert McKenzie ama ng aking babantayan. Simple lang naman ang gagawin ko.

Bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ni William McKenzie.

Haist bahala na nga si batman kung anuman ang mangyayari.

--------------------°°°°°°°°°°--------------------

Yun na ba yun, suntok bang maituturing yun. Ang lamya mo naman.. siguro bakla ka kaya ganyan ka makasuntok? Pangaalaska ko sa nakaaway ko dito sa bar.

Muli itong sumugod sa akin upang suntukin sana ako pero nailagan ko ito ng makakuha ako ng pagkakataon ay sinuntok ko ito sa kanyang tagiliran.

Arrgh. Ingit nito habang sapo ang tinamaang tagiliran.

Ano gusto mo pa? Dali at nangangati ang kamay ko. Gusto talagang manggulpi? At sa susunod sabihan mo yang girlfriend mo wag masyadong maharot dahil baka lalong masira yang mukha mo sa dami ng iyong makakalaban.

Shut the fuck you... sigaw pa nito.

Namumula na ito sa galit sa sinabi ko, totoo naman kasi. Kung hindi sana maharot ang girlfriend nito ay hindi kami aabot sa ganito. Tao lang ako. Abay pag palay na ang nalapit ay tutukain ko na talaga kaso may sabit pala.

Susugod na sana ito kaso napigilan ng bouncer at pinalabas ito. Salamat nalang at dumating ito kung hindi sana manghihiram ito ng mukha sa aso.

Hindi na muna ako umuwi sa bahay dito na ako sa condo tumuloy para magpalipas ng gabi. Magaaway na naman kami ni papa kapag nakita nya ang itsura ko. Iisipin na naman nila na nakipagbasag ulo ako.

Bakit ba kasi lapitin ako ng gulo..

Kamalasan ata ang maging gwapo at maging mayaman.

Lagi nalang nasa panganib ang buhay ko. Ilang tao pa ba ang magbubuwis para sa akin. Kailan ba ako tatantanan ng kamalasang nakadikit sa aking buhay.

O sadyang may galit lang sa aking ang kung sino man ang nasa likod ng mga nangyayari sa buhay ko.

Aminado naman ako na naging masama ako at may naapakan akong tao. Pero hindi naman yun sapat na dahilan para malagay sa alanganin ang aking buhay o ng mga nakakasama ko.

Hindi ko yata kakayanin kung may isang tao ang mapahamak ngng dahil sa akin.

















Masisimulan ko pong iupdate ang lahat ng sinusulat ko once na matapos ang board exam ko ng makapagfocus muna.. mahirap kasi pagnahahati ang oras eh..  pasilip palang po eto..














Secret Agent - Case 01 HOLD✊✊✊Where stories live. Discover now