Case 01

49 1 0
                                    


Mikey P.O.V

Maaga akong nagising dahil sa hindi ako makatulog ng maayos. Namamahay pa ako. Naghanda na muna ako ng aking makakain bago maggayak papuntang school. Tamang priyong itlog at hotdog ang niluto ko favorite ko yun na breakfast lalo na kapag may maligamgam na gatas mmm sarap. Sinangag ko naman ang tirang kanin.

Sa totoo lang tinatamad ako pano ba naman alangang araw ako papapasukin sa school aist kakagigil din eh. At isa pa katatapos ko lang mag aral tapos eto na ulit. Alam ko namang part lang iti ng trabaho pero ko talaga maiwasang mainis. Bakit ba kasi mga gurang na kasama ko sa agency isip isip ko.

Nagmadali na ako ng ayos ng aking sarili. Inilagay ko nalang ang kinainan sa sink at dali daling nagpunta ng CR para makaligo na. May 30 minutes pa ako para sa magintindi.

Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Habang suot ang uniform ng Maxwell University. Well kung tutuusin naman talaga ay bata pa ako. Kaya sa akin ibinigay ang mission na ito.

Bago ang lahat ay nais ko munang magpakilala.

Ako si Mikael Mondragon, 18 years old, Philippines. Charot lang. Nagtatrabaho ako bilang isang secret agent sa kumpanya ng aking ninong. Kilala ang agency namin dahil sa magandang record nito. Balik tayo sa kwento. Graduate na ako ng College two years ago, Suma Cum Laude sa kursong Criminology at top notcher ako sa aming board exam. Sounds mayabang right pero yun ang totoo.

Nasa 5'8 ang aking height, maputi at makinis ang aking balat bagsak ang buhok ko na ngayon ay pinakulot ko kahapon para hindi agad ako makilala ng makakasalubong kong kakilala ako. Yung tipong kulot na hindi naman parang apro parang Kay Jericho Rosales ganern. Marami ang naloloko ng aking itsura. Mukha lang po akong babae pero lalaki ako na may pusong babae.

Kung nagtataka kayo kung bakit ang bata kong nakagraduate yun ay dahil naaccelerate ako. Kakaiba daw ako ang utak ko sa utak ng ibang bata kaya maaga akong nakagraduate. Pero mahirap din syempre kasi nakikipagsabayan ako sa mga kaklase ko eh nabubully ako dahil bata pa nga ako. Pero ang pinakamasucklife ay yung graduate ka na nga, passer kapa tapos wala kang mahanapan ng work dahil sa bata  pa lang ako baka daw maDOLE sila. Hinire lang ako ng Ninong sa agency niya kaya naging agent ako.

Mabait ako sa taong mabait sa akin. Pero kapag ginawan mo ako ng hindi maganda ay pasensyahan nalang dear. Lintik lang ang walang ganti. Maamo lang ang mukha ko pero sa loob nito ay nagtatago ang dragon na paguugali ko.

NBSB ako kahit maraming nanliligaw sa akin nung college ako. Wala akong ini-entertain dahil sa bata pa ako. Baka ngayon pwede na dahil nasa hustong gulang na ako. Char lang  mission first bago ang landi..

Ano may tanong pa?

Inayos ko muna ang pagkakasuot ng aking necktie at sinuot ang aking salamin walang grado para  makapagdisguise ako mahirap na, bago bumaba ng condo. Pagkababa naman ay tinungo ko ang aking kotse. Saka nagtungo sa school na siyang pakay ko.

MAXWELL UNIVERSITY here I come.. bulong ko sa sarili ko.

Pagkarating ko sa school ay napamangha naman ako sa aking nakikita. Talagang makalaglag panga dahil parang nasa Roman Empire ako. Marami na ding nagdadatingang estudyante sakay ng kanilang magagarang sasakyan. Hmmm rich kid ang mga nandito isip isip ko.

Mataman kong pinapakiramdaman ang paligid ko kung meron bang panganib since wala naman akong maramdaman ay nagtungo na ako sa Registrar Office. Marami ang nakatingin sa akin. Ipinagsawalang bahala ko nalang.

Nagtanong tanong ako na din ako sa ilang estudyante. May mga hindi pumansin sa akin at may mga sumagot pero ang susungit. Duh kala mo naman kagandahan sila mas maganda pa naman ako. Tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Agent - Case 01 HOLD✊✊✊Where stories live. Discover now