====Si Jam po yung nasa picture!====
Jam's POV (oh diba??! may POV ako!! Haha..)
Hi! oh diba? May POV ako! Sosyal diba?? haha..
May kailangan kase ako ikwento sa inyo na kame lang nila Trix ang nakakaalam.. At ito ay hindi namen tlaga dapat malaman..
*FLASHBACK*
*BRINGGGGG*
Break Time na! Grabe.. 1st day of school pa lang naka2hassle na.. Nakakagutom tuloy!
"Oi tara sa canteen.." sabi ni Trix
"Grabe nakakagutom .." sabi ni Kc
"Teka nasaan si Niks?"
"Baka nauna na.. Alam mo naman yun.. Palaging gutom..! Haha.." sabi ni Kc
"Kaya tara na.. baka maabutan pa naten yun!" sabi ni Trix
Lumabas na kame ng classroom.. At ayun! Nakita namen kaagad si Niks..
"Niks! Wait for us.." sigaw namen.. Lumingon naman siya samen.. Kaya lang..
*SPLAAAASSSSHH*
Shocks! nabuhusan si Niks ng Juice sa kanyang uniform! At kitang kita namen na sinisigawan siya nung babae na naktapon sa kanya! Aba! Ang kapal ng mukha ha!
"Tulungan naten si Niks!" sabi ni Kc.. Tatakbo na sana siya kaso pinigilan namen siya ni Trix..
"Wala tayong magagawa diyan! Baka mapaaway pa tayo! Ang mabuti pa hanapin na lang naten si Russel!" sabi ni Trix
"Tama! Kaya tara na!"
Takbo kame ng Takbo para mahanap namen kaagad si Russel.. Sinubukan namen siyang hanapin sa may Basketball court.. Buti na lang nandun siya!
"Russ--" tatawagin sana namen siya kaso..
Nakita namen siya na may kahalikang babae! Aba! Walanghiya na to! PDA masyado ha!
Sa sobrang galet namen binato namen sila ng bola! Napatigil naman sila sa kung anong ginagawa nila..
"Russel ! Anong ibig sabihin nito ha?!!" galet na galet na sabi ni Trix
"Trix.. " sabi ni Russel
"Pano mo to nagwa sa kaibigan namen!? Alam mo naman diba na mahal na mahal ka niya diba!?" Grabe nakakainit ng ulo! Hi2ghbloodin pa ata ako!
"Plea--" naputol yung sasabihin niya.. Eh pano ba naman bigla na lang siyang sinuntok ni Kc! Wow! Intense ah.. Haha..
"Pasalamat ka ayaw namen masaktan si Niks kaya hindi namen sasabihin sakanya to! Pero oras na mapaiyak mo siya! Magtago ka na!" sabi ni Kc "At ikaw! Gusto mo din masuntok ha?!!" sabi ni Kc dun sa girl na kahalikan ni Russel.. Natakot naman yung babae kaya napatakbo palabas ng basketball court..
"Tara na Kc.. Wala naman tayong mapapala sa taong yan! "sabi ko..
Tumakbo na ulet kame pabalik sa may Canteen at sakto! Nakita namen si Niks na kasama si...
"Si Carl?" nagkatinginan kameng tatlo .. Mukhang may something ah! Haha..
Nilapitan namen sila.. "Oi girl?! Ok ka lang ba?" tanong ko kay Niks..
BINABASA MO ANG
My Unexpected Prince Charming
Teen FictionWhat if ang Price Charming na pinapangarap mo ay opposite ng Prince Charming na binigay sayo?? Magagawa mo bang mahalin ang isang tao na sobrang kinaiinisan mo sa unang pagkikita niyo pa lang? Pero pano kung ang taong ito pala ang UNEXPECTED PRINCE...