BOOK OF SECRETS (The New Rare Bookstore)

70 0 0
                                    

Isa akong manunulat, pero bukod sa pagsusulat ay hilig ko din ang magbasa. Katunayan mas una kong minahal ang pagbabasa bago ang pagsusulat.

Mahilig akong magbasa ng kahit na anong bagay... Pahayagan, magazines, komiks, artikulo, text books pocket books, at kahit yung mga nakasulat sa mga labels ng de lata, noodles, chichiriya at maging mga pakete o kaha ng sigarilyo ay binabasa ko.

Pero ang pinaka-hilig ko talagang basahin ay yung mga akda na nakakatuwa, nakakaiyak, nakaka-inspire at nakakatakot. Yun bang mga nobela.

Dati nung nasa kolehiyo pa ako ay mahilig akong magpunta sa mga bahay-aklatan o kaya naman ay sa mga aklat-tindahan para bumili ng sipi ng mga akda ng paborito kong manunulat, tapos nung nauso na ang internet at cellphone ay nakahiligan ko namang magbasa sa mga social media at mga story apps.

Pero hinahanap-hanap ko pa rin ang mga aklat. Kaya lang ayaw ko ng tumingin sa mga bookstore sa malls kasi karaniwan na para sa akin yung mga aklat doon. Kung hindi nabasa ko na sa internet ay may kahawig naman na na plot yung mga akda sa mga aklat-tindahan.

Gusto ko sana yung mga rare books na matatagpuan mo sa mga rare bookstore. Yung kaibigan kong si Sam nag-share sa'kin ng isang rare bookstore sa Bagiuo, tapos may mga nakita din akong rare bookstore sa Cebu, Iloilo, Palawan at Davao, kaso dito sa amin sa Leyte ay tila wala pa akong nababalitaan na rare bookstore.

Yun ang akala ko. Wala pa kasi akong nakikita o nahahanap kahit sa internet na rare bookstore malapit dito sa amin. Hanggang sa makita ko SIYA.

Sa Brgy. San Jose sa bayan ng Dulag habang binabaybay ko ang daan patungong Tacloban sakay ang isang pampasaherong van ay bigla ko SIYANG nakita. Isang malaking paskil na may nakasulat na "OPEN" sa isang pintuang salamin na kung saan ay kitang-kita ko ang napakaraming mga aklat na may mga naglalakihan at nag-gagandahang mga pabalat. Nakatitiyak ako na isa itong rare bookstore kaya naman kahit malayo pa ako sa aking paroroonan ay pinara ko na ang sinasakyan kong van at bumaba sa tapat ng aklat-tindahan.

Agad akong pumasok sa bookstore at tunay namang namangha ako sa dami ng mga kakaibang libro. Karamihan dito ay mga banyaga at tila nailimbag noong una pang panahon, subalit nasa maayos na kalagayan pa rin sila at hindi pa nabubura ang mga letra sa mga pahina, tila ba mga bagong limbag pa lamang ngunit makatitiyak ka na mga lumang aklat na ang mga ito dahil sa istilo ng desenyo at sa kakaibang amoy.

Bukod sa magaganda at maaayos pa ang kundisyon ng mga aklat ay makakapal at naggagandahan pa ang mga pabalat ng bawat isa, kaya naman hindi maalis sa isip ko ang maaaring halaga ng mga ito. Kung hindi ako nagkakamali ay mga nasa tatlong libong piso ang halaga ng pinaka murang aklat dito at maaari namang umabot sa sampung libo o higit pa ang pinaka mahal.

"May napili ka na ba ginoo?"

Bigla akong nagulat ng may magsalita sa tabi ko. Tinig ito na nagmumula sa isang babae na nung aking lingunin ay hindi nga ako nagkamali.

Isang balingkinitang diyosa ang nakatayo malapit sa aking kanan, mahaba ang kanyang itim na buhok, may maliit na abuhing mga mata, makipot ang mapupulang labi at may katangusan ang ilong. Nababalutan ang kanyang malasutlang katawan ng tila sa isang banyagang kasuotan.

Kung hindi pa siya nag-wika ng tagalog ay aakalain mo siyang isang Latina.

"Hi miss beautiful, ahhh ehhh... Sa katunayan ay napakaraming aklat dito ang aking naiibigan subalit sadyang wala ata akong sapat na salapi para ipambili sa mga ito, ang tanging dala ko lamang ngayon ay dalawan-daang piso." turan ko sa anghel na aking kaharap.

"Ganoon ba ginoo?" wika niya sabay ngiti. Yung ngiti na hindi nangungutya kundi yung ngiti na tila ba nais akong pagbigyan at abutan ng isang aklat sa mababang halaga. *wish mo naman* sa isip-isip ko pa.

UNLIBERSOWhere stories live. Discover now