Habang naka upo sa fave spot ko sa loob ng coffee shop at nag lalaro ng mobile legends (the perks of having a free wifi), ay hindi ko sinasadyang mapansin at marinig ang tila pagtatalo ng dalawang tao.
"Anu ba, hindi mo ba ko tatan-tanan?" tanong ng guy with a headset.
"Eh gusto lang naman kitang ilibre eh." sagot ni girl with eye-glasses.
"But I need space." wika ni guy.
"SPACE? Akala ko you need coffee!" pagtataka naman ni girl.
"Bahala ka." inis na sagot ni Mr. Headset
"So ano, mocha or capuchino?" pangungulit naman ni Ms. Eye-glasses.
"Ikaw." tugon ni guy.
"A-a- ako?" tanong ni girl. (asumera)
"Yes IKAW, bingi lang?" tanong din ni guy.
"Anong ako?" tanong ulit ni girl.
"IKAW ang gusto ko." paglilinaw ni guy.
*uminon ng frappe at naglaro ulit ng ML.
