Tanda ko pa noong bata pa ako may kalaro kami na ang pangalan ay Susan, maganda, matalino at makulit. Madalas kami naglalaro nuon sa labas pero pag malapit ng mag gabi laging sinusundo si Susan ng nanay nya.
Minsan kahit sa gitna ng pag lalaro namin bigla na lang kakargahin ni Mrs. Neri si Susan pauwi ng bahay, tapos lagi din namin s'yang naririnig na nag pupumiglas dahil gusto n'ya pang makipag laro tapos maririnig namin si Mrs. Neri na sasabihing "Kailanga mo nang umuwi 'nak, ang mga halimaw malaoit ng dumating, baka ka mapahamak."
Madalas ganoon ang senaryo nilang mag-ina hanggang isang araw nabalotaan na lang namin na namatay ang ina ni Susan. Ayon sa imbistigasyon ay pinasok daw ang kanilang bahay at pinagnakawan, pinagsasalsak daw si Aling Neri dahil hinihinalang nanlaban.
Makalipas ang ilang linggo ay nalaman na lang namin n inampon na ng matalik na kaibigan ni aling Neri si Susan, sa kadahilanan na ring ulila na si Susan. Lumipas ang ilang buwan at balik na ulit sa normal ang lahat, kalaro na ulit namin si Susan ngunit wala ng Nanay na sumusundo sa kanya.
Isang gabing bilog ang buwan ng biglang tumigil si Susan sa paglalaro at nagmamadaling tumakbo pauwi sa bahay nula Mrs. Soriano, napaisip tuloy kami, 'Takot parin ba si Susan sa mga halimaw?' Hindi namin ugaling sumunod kay Susan nuon kasi takot din kami kay Mrs. Neri, pero iba si Mrs. Soriano, mabait sya, mahilig sa mga bata, magiliw at di suplada. Kaya hinabol at sinundan namin si Susan sa bahay nila Mrs. Soriano, at dahil nagmamadali ay naiwan ni Susan ang pinto nila ng bukas.
Agad kaming pumasok at ang nadatnan namin ay ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan.
Sa sofa kung saan naka upo si Mrs. Soriano, walang buhay, laslas ang lalamunan at umaagos ang dugo habang nasa isang sulok ng sala naman si Susan, na nginunguya ang sa tingin namin ay parte ng leeg ni Mrs. Soriano.
Siya yung halimaw na tinutukoy ni Mrs. Neri.
- Fin