Habang naglalakad si Adrian sa madilim na kalsada pauwi galing sa trabaho, may biglang humintong sasakyan sa harapan niya at lumabas ang napakaraming lalake.
"Anong kailangan niyo?" Tanong niya pero hindi siya sinagot at basta na lang sinugod.
Sinubukan niyang lumaban at may mga napatumba naman siya pero hindi niya kaya dahil sobrang dami nila kaya nanghihinang napatumba siya ng sabay-sabay siyang sinugod ng suntok at tadyak ng mga ito.
Nang masigurong wala na siyang kalaban-laban saka lang tumigil ang mga ito.
Maya-maya pa naaninag niya mula sa papapikit na niyang mga mata ang dalawang bulto ng tao.
"Ilang beses ba naming sasabihin sa'yo na layuan mo ang anak namin." Pinatayo siya ng ama ni Melanie saka hinawakan sa kuwelyo. "Kapag nakita ko pang magkasama kayo ng anak ko, hindi lang 'yan ang aabutin mo." Anito at malakas siyang tinulak kaya muntikan na siyang mapasubsob sa kalsada.
Magmumulat sana siya ng mata pero hindi na nagawa dahil naramdaman niya ang malakas na pagdapo ng palad sa pisngi niya. "This is your last warning. Stay away from my daughter." Rinig niyang sabi ng ina ni Melanie.
Ilang segundo lang ang lumipas at narinig na niya ang pag-alis ng mga sasakyan. Masakit na ang buong katawan niya at nanghihina pa kaya hindi na siya makatayo at nakahiga na lang sa daan habang sinasambit ang pangalan ng babaeng minamahal.
"M..melanie." Ngumiti siya ng mapait. Siguro nga hindi talaga sila para sa isa't isa.
"Mahal na mahal kita. Pero tama nga siguro sila. Hindi tayo nababagay sa isa't isa kaya kailangan na kitang pakawalan." May nalaglag na isang butil ng luha sa mata niya. Masakit. Napakasakit pero kailangan niya itong gawin para sa ikabubuti ng lahat.
"Patawad." Ang huling nasambit niya bago siya nilukob ng kadiliman.
F A I R Y S V N
BINABASA MO ANG
Bitterness Of The Past [COMPLETED]
General FictionLetting go of the woman he loves was the hardest decision Adrian made in his entire life, but he has no choice. He doesn't deserve her. She came from a very wealthy family while he was just a waiter. Her family always slapped that truth on his face...