A2

4 0 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabing nasa likod ko sya Freya?" Inis kong singhal sakanya. Hiyang hiya ako kaya agad akong lumabas sa café, sumunod din naman kaagad sakin si Freya dala ang mga gamit na naiwan ko doon.

"That's so epic Nike!" She said in between laughs. Lalo akong nainis doon.

"I will never return to that cafe. Hanap nalang ako ibang spot. At ikaw! Tumigil kana nga Freya. Hindi ako natutuwa, nakakahiya don sa tao!"

She wiped the small tears from laughing too much and answered okay. We continued doing our project proposal at the university's library.

6pm when my class ended. Hindi ko kaklase si Freya sa huling subject so I went straight to the parking lot at nakitang doon nag hihintay si Freya sa akin, she's leaning at my car.

"Get your dirty ass away from my baby Hellova" i playfully said to Freya. She just rolled her eyes at agarang pumasok sa passenger seat after i unlocked my car.

"You know Elixir's my classmate on Statistics, right?"

Sumulyap ako kay Freya ngunit agad din na itinuon sa pagmamaneho ang atensyon. Kunot noo akong um-oo sakanya.

"Elixir asked me things about you...."

I pulled over immediately. I faced Freya with my most shock expression.

"Dont ask me why Nike. Dahil hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit bigla nya akong tinanong. He only asked me what's your major and if you two were from the same school"

I face the steering wheel with an over dramatic expression. Dont blame me!!! After that lunch incident when i was grade 12, never syang nagka interes sa akin kahit ang mga simpleng tanong na yon.

Kumalma ka Nike. He just asked two random question. Dont think about it too much.

Naihatid ko si Freya at nakauwe na rin ako sa bahay pero hindi parin maalis sa isip ko ang nangyare. I even realize he knows my name, he called me Nichola Ken. But still it doesnt change the fact na i confessed to him indirectly. He knew about my feelings already.

I fell asleep thingking about it. And i woke up the next morning feeling happy and ashamed. Wala sa plano kong ipaalam sakanya o kahit bigyan man lang sya ng ideya na gusto ko sya pero it happened just like that.

"Mam Nike, nasa baba po si mam Freya kasama ang isa nyong kaibigan"

That's manang Sally, she's the overall maid in this house kasama ang asawa nya na si Mang Henry na paminsan kong driver at nagaasikaso rin ng hardin at ibang bagay pa na kailangan ayusin. Sila lang ang kasama ko sa bahay because my parents are living in Ireland. Nandoon kasi ang biggest company namin at kailangan nilang pagtuunan ng pansin. I have a kuya but hindi rin kami madalas magkita, bumili kasi sya ng sarili nyang condo.

Agad akong nag ayos ng sarili. I took a bath bago ako bumaba sa living room.

"Frey—a" Natigilan ako sa nakita. Freya's with someone, and that's Elixir.

"Why... are you here?" Nakaupo si Elixir sa couch namin, nakasandal ang ulo sa headrest at nakapikit.

"Freya. Bakit kayo nandito?" Pagulit ko sa tanong ng hindi ako sinagot ni Elixir bagkus ay tiningnan lamang ako.

She shrugged "ask him. I have no freaking idea." Tumigil siya saglit at sinilip ang wrist watch "I'll go ahead Nike. I have a 9am class. I'll see you later at school" hindi na nya ako hinayaan magsalita dahil dire-diretso sya palabas ng bahay.

I sat at the opposite end of the couch. We sat there silently. Gulong gulo ako sa kakaisip kung bakit sya nandito, nagabala syang pumunta rito sa bahay ko pero hindi nya ako kinakausap??

"U-uhm. Elixir, wala kabang klase?" Mag sstart na ang klase ko at ni isang salita galing sakanya ay wala pa akong naririnig. Hindi ko naman sya pwedeng paalisin, it's rude. I glance at my watch and it's almost 10:30am. And my first class is at 11:ooam!

"Here" ang tanging salita na binitawan ni Elixir at pagkatapos ay may inilapag na maliit na papel sa table, at dire-diretsong umalis ng bahay ng hindi nagpapaalam.

Ibinulsa ko ang papel na inilapag nya at dali daling kinuha ang gamit ko sa kwarto ko atsaka nagtungo na papunta sa University. Hindi ko na natingnan ang papel sa pagmamadali at tuluyan ko na ring nakalimutan na nasa bulsa ko pala iyon.

"Care to spill the tea?" Si Freya, na ngayon ay nasa bahay ko para mag movie marathon, it's friday and friday is for the two of us. We bond when its friday because she knew that saturday and sunday is for me-time

"Nothing to spill Frey. He was just silent the whole time and he ga—oh no!" Asik ko ng maalala ko ang papel na binigay ni Elixir.

Dali dali akong nagtungo sa laundry room at hinanap ang pants na suot ko kanina. Nang makuha ko ang papel agad din akong tumungo sa kwarto kung saan ko naiwan si Freya.

"What is it?" Salubong nya.

Saturday. 6pm. Luna Café
0920xxxxxxx

"Freya, what is this?" Taka kong tanong. At inilahad sakanya ang papel. Anong ibig sabihin ng mga nakasulat? Is there an event on saturday? Maybe an organization event at nag iimbita sya para dumami ang audience? At kaninong numero ito?

"He's asking you for a date! Dumbass!" Singhal ni Freya "and that's his phone number Nike"

ANAGAPESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon