Chapter 1

8 0 0
                                    

Chapter 1: Pictures and Mysteries

"NASAAN ka nanamang bata ka? Anong oras na!? Ni hindi ka manlang nag text o tumawag sakin! Alalang-alala ako dito!" Tanging sigaw ni Ate Cynt.

"Namatay cp ko,ate. Gumagawa ako ng research paper sa 5 subject,ate. Kaya please lang ipagpabukas mo muna yung sermon mo saakin. Hindi ko na kaya ang sakit na ng ulo ko." Mahabang saad ko bago ako umakyat sa aking kwarto.

Binuksan ko ang loptop ko at ginawa ang aking pangatlong research paper. Sa totoo lang ang hirap kasi ang daming requirements para sa course na pinasukan ko. Puro reporting,research at kung ano-ano pa. Nakakainis. Ayaw ko namang mag shift kasi sayang yung mga nainvest ko tsaka masaya naman kahit stressful. Kaya go lang hanggat kaya pa.

"Kumain ka na ba?" Boses pa lang alam kong si Ate na yan. Mukha mang laging bugnutin pero caring naman yan.

"Di pa.Bukas na lang ako kakain sa school." Sagot ko at tumuloy sa pagtatype.

"Anong bukas!? Alam mong hindi ka pwedeng malipasan ng gutom! Anong gusto mo tuluyang maratay sa ospital? Sinabihan ka na ng doktor mo diba? Kung ayaw mo magkaulcer kumain ka!" Ayan na. Pag hindi ko sinunod yung gusto niya di ako matatapos sa ginagawa ko. Kaya no choice kung di sundin siya.

Chinarge ko ang loptop ko at inayos ang bag ko. Naligo muna ako saglit at nagpalit ng damit bago bumaba.

"Anong ulam?" Tanong ko habang nagsusuklay ng basa kong buhok.

"Beef steak. Magsandok ka na hindi kita maasikaso at inaantok na din ako."

"Hindi ko naman kailangang pagsilbihan mo,ate. Bawal magpuyat ang mga buntis kaya matulog ka na. Wag mo na hintayin si Kuya. Ako na magbubukas ng pinto kung sakaling dumating siya." Hindi man halata pero mahal ko si Ate. May sarili akong unit pero napilitan akong maglipat dito noong nalaman kong buntis siya. At pinakiusapan ako ni Kuya na bantayan muna si Ate dahil baka magtrabaho. Sobrang tigas pa naman ng ulo ni Ate.

Nakita kong maluha-luha si Ate. Kailan pa naging iyakin toh'? "Bakit ka umiiyak diyan? Pinatutulog lang naman kit—" naputol ang sasabihin ko ng bigla akong dinamba ng yakap.

"S-sorry k-kung n-nagiging s-sakit a-ako s-sa u-ulo." Umiiyak niyang sabi. Parang tanga naman toh'.

"Ok lang yon'. 8:30 na matulog ka na. Baka maabutan ka ni Kuya lagot ka don'." Pabirong saad ko at inalalayan siya sa pagakyat.

"Siya ang lagot saakin." Naiinis niyang sabi.

Dahan-dahan ko siyang inalalayang humiga. Binuksan ko ang air con ng kwarto niya at sinarado ang bintana.

"Tumawag ka lang kung may kailangan ka. Nasa baba lang ako." Inaayos ko ang kama niya at binuksan ko ang lamp shade sa tabi niya.

"Ok sige. Good night." Ilang minuto ko siyang binantayan hanggang sa narinig ko na siyang naghihilik.

Kinuha ko ang loptop ko na nakacharge at pati na din ang ear phones pati ang tatlong makakapal na libro na kailangan ko. Gagawin ko na lahat ng toh' habang kumakain ako. Para matutulog na lang ako pag natapos ko na.

Habang pababa ako ng hagdan may nakita akong isang papel na nakatiklop. Nahulog siguro ito kay ate. Si ate kasi magilig gumawa ng mga sulat palibhasa maganda penmanship eh. Binuklat ko ang papel ngunit noong mabasa ko kung kanino galing ay bigla na lang akong nainis. Hindi si ate ang gumawa ng sulat.

Hindi para saakin ang sulat kaya di ko binasa ang laman. Tanging pangalan lang ng sumulat ang nabasa ko at para kanino ang sulat. Nagmadali akong bumaba papunta sa sala.

Habang hinahanda ang pagkain ko ay tumunog ang cellphone ko na nakacharge. Nagmadali akong pumunta sa dining area at nilapag ang mga pagkain ko bago ko kinuha ang cp ko.

Nakita ko na galing kay Jeyzen ang text. Inaaya ako sa party. Ayos lang ba itong hunghang na toh'?

Hindi ko nireplyan ang text niya dahil wala naman palang kwenta. Kumuha ako ng fresh milk sa ref at saging. Nagsimula na akong kumain.

Matapos kong kumain ay uminom ako ng mga gamot ko. Bukod sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko feeling ko din magkakaubo at sipon ako. Ang hirap magmanage ng time bwisit na yan.

Nagulat ako noong biglang tumunog ang cp ko sign na may tumatawag.

Kuya Calling...

Mabilis na sinagot ko ang tawag ni Kuya. "Hello?"

["Trix,tulog na ba Ate mo?"] aligagang tanong ni Kuya Winz.  Nagtataka man ay sinagot ko ang tanong niya.

"Kakatulog lang,kuya. Bakit may problema ba?" Kinakabahang tanong ko. Kilala ko si Kuya na kalmado at composed kaya naninibago ako.

["Nawawala kasi yung susi ko ng bahay. Baka magalit yon saakin. Hindi ko alam kung saan ko nailagay."] natatawa man ay pinigilan ko dahil itinago ni Ate ang susi ni Kuya kaya inaantay niya itong dumating. Kilala ko si Ate basang-basa ko mga kilos niya.

"Nakay Ate susi mo,Kuya. Kanina ka pa kaya inaantay kaya pinatulog ko na sinabi ko ako na lang mag aantay sayo. Asan ka na ba,Kuya? Ako napagbubuntunan dito eh." Natatawang saad ko.

["Pauwi na ako sandali lang."] sagot nito at halata sa boses ang relief.

"Ingats." At pinatay ko na ang tawag.

Tinuloy ko ang paggawa ng report ko. Pero may napansin akong kakaiba sa ayos ng isang cabinet . Parang may pilit na isiniksik sa loob. Dahan-dahan ko itong nilapitan at binuksan. Hawak ang bread knife ay dahan-dahan kong inaalis ang nakalagay.

Mga photo album?  Binuklat ko ang mga laman. Mga picture ko ito noong bata ako? Bakit nandito?

Nagtataka ko itong binalik at bumalik saaking ginagawa. Wala naman akong maisip na dahilan bakit itatago ni ate ang mga baby pictures ko.

Nagulat ako ng biglang may mag doorbell. Si Kuya na siguro yon. Nagmamadali kong binuksan ang pintuan at nakita si Kuya Winz na may dalang pizza.

"Anong klaseng pizza yan,kuya?" Naniningkit ang matang tanong ko kay Kuya.

"Hawaian." Tipid na sagot ni kuya. Madali kong kinuha ang hawak niya at dinala sa loob. Nilantakan ko ang pizza na dala ni kuya habang inaayos ang mga gamit ko. Kakatapos ko lang sa mga ginagawa ko.

"Kumain ka na ba,kuya?" Tanong ko sakaniya habang inaalis niya ang sapatos niya at nilalagay sa shoe rack.

"Kumain na ako. Ang Ate mo?" Kita ko ang pagod sa mata ni kuya pero di ko na lang pinansin.

"Kakatulog lang kani-kanina. Matulog ka na din hahanap-hanapin ka na non mamaya." Sagot ko.

Umakyat na si Kuya sa kwarto nila at tapos ko ng hugasan ang pinagkainan ko ng biglang may nag text nanaman sa cp ko.

Unknown

You look gorgeous in
your blue pajama but
I think it's better if we take it off.
Sent 9:19 PM

And We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon