Prologue

11 0 0
                                    

PROLOGUE

    Nakasakay kami ngayon sa school bus papuntang Primus Academy. Ang yayaman siguro ng mga tao habang kami, scholar lang.

Ewan ko ba sa mga lola at lolo namin kung bakit kami inilagay rito. Okay lang naman sa Rivas National High School, eh.

Alam naming rule-breaker kami pero hello, kasali kaya kami sa top at rumning for valedictorian si Juliette atsaka naman aalis kami sa RNHS.

Nasa likuran kaming anim, nag-uusap yung ibang estudyante habang kami ay nakatingin sa kawalan. Ikaw ba naman, pinalayas kaagad sa bahay. Sino hindi makakamove-on?

Nagtaka ako kung bakit puno na ang aming nakikita. Napatigil rin sila sa pag-uusap at natakot. Lalo na ako! Takot ako sa multo 'no! Kaya napahawak ako kay Loreign na natutulog sa balikat ko.

Sino ang hindi matatakot kung nasa gubat na kami at malapit na mag-gabi. Tae, feel ko nasa isang movie kami tas kami ang bida. Char, kapal.

Humigit ng isang oras ang aming byahe sa loob ng gubat. Nakahinga naman ako ng maluwag. Bakit ko pa kasi pinili sa tabi ng bintana. Yan tuloy napala ko.

May natanaw kami na dalawang mansyon. Yung isa, itim ang kulay habang yung nasa kaliwa ay puti ang kulay. Feel ko, ito ang Primus Academy. Pero linagpas ni kuyang ang mansyon kaya napasimangot ako. Akala ko pa naman. Ngunit biglang nag-u turn si kuyang ay pinark ang school bus.

Tumayo si kuyang ang sumigaw na nagpagulat sa amin kaya nagising ang mga kaibigan ko.

"Ito ang inyong dorm. Ang puti ay para sa mga babae at ang itim ay para sa lalake. Bumaba na kayo! Bilis!"

Kaya dali-dali kaming bumaba dahil sa takot. Pagbaba namin ay tinulak niya ako para bumaba at isinara niya agad ang pintuan ng bus at umalis na.

"That was rude." Komento ko at sumabay na sa mga estudyange.

May natanaw kaming isang matandang babae na sa tingin ko ay nasa 60's or 70's at isang lalake na sa tingin ko ay nasa 40's or 50's.

"Kami ang inyong dorm head supervisor. I'm the head supervisor sa mga babae, ako si Linda, tawagin niyo akong Madam Linda." Char, Madam.

Tumikhim ang lalake kaya napabaling ang atensyon namin sa kanya. "I'm the dorm head supervisor of boys. I'm Eric, call me Sire Eric." Taray ha.

"May isang rule lang naman kami, students," mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin ni Madam Linda. "Bawal pumasok ang babae sa boys dorm at bawal pumasok ang lalake sa girls dorm, kahit magkarelasyon kayo. Wag niyong labagin ang rule kung hindi, mapaparusahan kayo. Naiintindihan niyo ba?!" Biglaang pagsigaw ni Madam Linda kaya napatango kami agad.

"Anyway, boys and girls. Welcome to Primus Academy." At umalis na kaagad sila na hindi man lang kami inimbita papasok sa aming dorm.

Pumasok agad sila sa kani-kanilang dorm nang hindi man lang nagpaalam.

"Wow. That was a warm welcome." Komento ko ulit.



Primus Academy: Blood SheddingWhere stories live. Discover now