paepal

1 0 0
                                    

Habang nag lalakad ako sa hallway nakasanayan ko nang mag bilang ng mga estudyante na namadadaanan ko. Wierd no?

10 minutes nalang mag sstart na ang klase pero may iilan pang mga student na nasa labas ng room nila kaya napag titripan ko silang bilangin. 

Minsan hums, poste, fastfood chain, o di kaya overpass. Ewan ko din bat ganun trip ko e. Sobrang bored lang siguro hahaha.

Malapit na ko sa room ng makita ko na papalit ang lalaking yun sa akin. Wala akong oras para makipag asaran sa kanya kaya nag deredercho lang akong pumasok.

"Omg kyle baby"

"Gosh bat andito sya? Sis okay ba yung face ko?"

"Kyaaaa"

Nagulat naman ako sa reaksyon ng mga classmate ko. Kusa tuloy akong napahinto at napatingin sa likod.

Tumaas ang kaliwang kilay nya na ubod ng ganda dinaig pa ang kilay ng mga classmate ko. Well sa kanya natural, anyway.. Yun nga pumasok din pala sya.

"So? Haharang ka nalang ba dyan miss... In denial? "

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Miss in denial?

"Mayks!"

Nabaling ang tingin ko kay Guen at nakita kong sinenyasan nya ko na umupo na.

Sinamaan ko muna sya ng tingin bago ako nag tungo sa upuan ko.

Paepal ng taon tong lalaking to. Amp!!

Pumunta sya sa table ng mga teacher at ipinatong nya doon ang mga bitbit nya.

"Good morning everyone, I'm sorry pero wala ngayon si Miss Torez kaya ako muna ang inutusan nyang mag bantay sa inyo ngayon"

Psh. Bat sya pa? 

Kapag wala ang teacher namin o di kaya ay may dapat silang gawin dahilan para di sila makapasok sa klase ay inuutusan nalang nila ang president ng section A. Which is itong lalaking to. Kyle Arce Billida.

Napairap nalang ako sa kawalan.

Mainit ang dugo ko sa kanya dahil kahit mayabang sya e gustong gusto sya ng lahat dahil sa gwapo--daw sya sabi nila. At itong lalaking to naman tuwang tuwa.

"Don't worry wala namang test na iniwan si Miss pero-"

Itinaas nya ang isang folder na sa tingin ko at kokopyahin namin.

"Magsusulat kayo"

"Hindi ba pwedeng photo copy nalang? " tanong ni Judy. Oo nga photo copy nalang. Papahirapan pa kami e.

Ngumiti sya at nagitla ako nung tumingin sya sakin. Problema nito. Tsk.

"I'm sorry pero hindi"

Halos lahat ng classmate ko ay nag reklamo.

"So tingin ko kailangan na natin mag simula para matapos nadin to kaagad"

Napataas ang kilay ko nung tumingin ulit sya sakin.

"Miss Ferer"

Nanlaki ang mata ko nung tinawag na nya ko. Wait- teka! Ako ba pag susulatin nya?

"Pwede bang ikaw na ang mag sulat sa white board? "

Napatingin ako sa mga classmate ko na nag cheer bigla.

"Bakit ako?"

"Because i want you--"

Napasinghap si Guen. Rinig ko.

"To do the honor"

Narinig ko ang pag 'ahh' 'kala ko ano e' ng mga classmate ko.

Ano kayang trip ng paepal na to tsk

Wala na kong nagawa kaya lumapit na ko sa harap.

"Make it fast para mabilis tayo matapos"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"E ano pang silbi mo mr. President?"

"Mag oobserve kung sino at hindi ang nag susulat"

Sabay ngiti.

Inirapan ko sya.

Laking tulong ah.

Nag simula na ko mag sulat at sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. Ewan ko lang ah. Feeling ko kasi tinititigan ako ng kumag na yun.

Sa pag lingon ko, hindi nga ko nagkamali. Sumilay ang ngisi sa kanyang labi kaya mas lalo akong nabadtrip.

Malapit na mag time nung narinig ko ang pag tayo sa upuan ni kyle.

"Tingin ko hindi matatapos ito ni ms ferrer"

Napatingin ako sa kanya duhh ngayon mo lang naisip?

"Alright then, ipapaphoto copy ko nalang to then ibibigay ko mamaya"

Kinuha nya sakin ang papel at folders pati na din ang ibang gamit.

Tangina

"Siraulong yun"

Gigil na gigil akong umupo sa tabi nila Guen.

"Chill lang bes"

Natatawang asar sakin ni baks.

"Hayop yun! Pwede naman palang ipaphoto copy pinasulat nya pa ko ng ganun kahaba! Nakakagigil"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MALAYAWhere stories live. Discover now