Edan tightened his grip on the necklace inside his pocket and grabbed the bottle of whisky from the centerpiece with his other hand, brought it directly into his mouth. He laid back against the couch and stared blankly at the soft corm in the ceiling pouring its light dimly.
He tilted his head and took another long shot of whisky from the bottle. Mula sa labas ng VIP room ay dinig niya ang maingay na disco music ng bar na pinasukan nila at ang hiyawan ng nag-eenjoy na mga parokyano sa ibaba.
"That's enough, Edan. You've been acting paranoid." Awat ni Hector na tinangkang agawin sa kanya ang bote pero mabilis niyang iniwas iyon dito.
"I need more information about those guys and a random physical exam for all the cadets." Matigas niyang utos sa lalaki sa gitna ng nalilitong isipan. " Pakilosin mo rin ang contact natin sa NBI."
"Dan, it was just a name. Baka naman nagkataon lang na iyon ang naisip ni Mikaell na pangalan." Apila nitong umiiling.
Mikaell appeared at the restaurant this evening, in a disguised of a woman, claiming to be Javier's girlfriend. Sa kabila ng makapal na make-up ay nakilala pa rin niya ito.
Wala siyang problema sa ginawa nitong pagpapanggap na siguradong ang dahilan ay para matigil ang pagdududa ng mga kapwa nito kadete sa kasarian ni Javier. Ang hindi niya lang napaghandaan ay nang magpakilala ito gamit ang pangalan na matagal ng nakaukit sa kanyang puso.
"Paano kung konektado sila? Paano kung buhay si Yvaine at siya si Mikaell?" Angil niya. "I don't know the circumstances, Kam. Pero malakas ang kutob ko. Baka nakaligtas siya sa sunog. Walang nai-report na bangkay ang mga tao ko dati. They just assumed that she died on fire." Muli niyang tinungga ang bitbit na bote ng alak.
"Kung buhay nga siya, sinong nasa loob ng puntod na binisita mo doon sa La Trinidad?" Argumento ni Hector.
Bumuga siya ng hangin at hinilot ang sentido. "I don't know. Maybe that was fraud. Just give this to me, Kam. Just this one. You know how much that girl means to me. Proved me wrong then I rest my case without question."
"I can't understand you, Kerubin." Umigting ang mga panga ni Hector at bumadha sa mukha ang iritasyon. "Nagawa mong saktan sina Kaimeera at Thaxia dahil sa babaeng minsan mo lang nakasama. Ano bang mayroon kay Yve kung ikumpara mo sa dalawang babaeng halos buong buhay nila ay ikaw lang ang minahal at hanggang ngayon ay naghihintay, umaasang matauhan ka?"
"Yeah, my favorite topic again." Bored niyang ungol at nagbukas ng panibagong bote. "Do you know how sick I am of hearing you brought it up everytime we talked about Yve?"
"Because you never listen!" Agap ni Hector. "You've been losing your mind. Bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin ang responsibilidad mo sa LSA kaysa magpakalunod ka sa alaala ng isang patay?"
Hindi siya sumagot. Laging pinagmumulan ng pagtatalo nilang magkaibigan ang usapin tungkol kay Yve. Naiintindihan niya naman si Hector. Bilang vice-president ng LSA, madami din itong iniisip tapos dumadagdag pa siya.
Binuhos niya sa bibig ang natitirang laman ng bote at hindi iyon tinigilan hanggang sa naubos. Hector couldn't stop him. Maghahanap lang ito ng sakit ng katawan.
He used to drink occasionally. Pero mas nalalasahan niya ngayon ang alak at tila dumoble ang sarap niyon kahit pulutan niya ang sugatang puso at ang lungkot na tiniis sa loob ng pitong taon.
Nalasing siya ng husto. Nakalimot. Ni hindi niya maalala kinabukasan kung paano sila nakauwi ni Hector galing ng bar.
Ang tanging natira sa utak niya bukod sa hang-over ay ang isang panaginip. A hallucination perhaps that he made love to Mikaell. Though he couldn't remember the details. Naiwan lang sa kanya ang pakiramdam nang magising siyang nakahilata sa sahig sa sala ng dorm. The sting of pleasure and satisfaction pounded through-out his body. Buhay na buhay ang mga cells niya na tila bateriyang kakaabuno lamang ng enerhiya.
BINABASA MO ANG
BGT 01: HIS X AND Y ✅
RomanceAnong lasa ng pag-ibig para sa iyo? Lasang mansanas na kahit may lason at ipinagbabawal masarap pa rin kagatin? Baka lasang dugo, na kahit nakamamatay ay pilit na ipinaglalaban. When asked to choose between happiness against society's norms, we woul...